*** Finally, nahila rin ni Janice ang kamay niya mula kay Nathan. Saglit pa niyang hinawakan ang braso niyang halos namumula na ngayon. Palabas na sana sila ng teatro. "Ano bang problema mo?" bulyaw niya sa lalaki. "Gusto ko lang na matulungan ka," pahayag nito nang lumingon. "Ipa-rush natin ngayon din ng result, kaysa naman ma-praning ka kakahintay nang matagal doon." "Ano bang pakialam mo kung ma-praning ako kakahintay?" wika niyang tinaasan pa ito ng kilay. "Isa pa, bakit ba masyado kang concern sa buhay ko?" "Masama bang maging concern sa kaibigan? Oi, Janice, baka nagpi-feeling ka na naman diyan, ah?" Napatawa na lamang siya sa inaasal ng lalaki. "Bakit ka tumatawa ngayon?" Napakunot ang noo ni Nathan habang tinitingnan

