"Gusto kong magpa-DNA test kay Sasha," pag-uulit nitong bahagya pang nanginig ang labi. "I-ikaw?" Halos manigas ang buong katawan ni Janice nang dahil sa narinig. "Hindi ako sigurado. Pero may pakiramdam ako na baka..." wika ni Hector. Napatingin lang si Janice sa harapan ng sasakyan habang punong-puno ng pagkalito. Mayamaya pa ay nagsalita na siya, "Ihinto mo ang kotse!" pagmando niya. "Ihinto mo!" Nakinig naman ang lalaki at itinigil ang sasakyan sa tabi kaya agad siyang bumaba at binuksan ang pinto sa kinauupuan ni Sasha. "Janice, makinig ka muna," wika ni Hector na bumaba na rin ng kotse. "Hindi nga ako sigurado." Kinarga na niya ang natutulog na si Sasha. Medyo malapit naman na sila, kaya siguro ay maglalak

