[Pagpapatuloy...] Nang kumanta na ito, narinig ni Janice kung gaano ka-powerful ang boses nito. Napakahusay talaga nito at napaka-graceful din nang magsimula na itong sumayaw. Para lang itong ballerina na sumasayaw sa ibabaw ng tubig. Napakadamdamin. Napakamahiwaga. Pero, bakit kaya parang pamilyar ang boses nito? Muli niyang tiningnan ang file nito. Kaya naman pala. She's a model-singer-actress. Kahit hindi niya alam ang pangalan nito, madalas niyang marinig mga kanta nito sa radyo. Kapatid pala siya ni Direk Gian? Bumuhos ng masigabong palakpakan sa teatro nang matapos sa performance ang babae. Maging siya ay napatayo. Malamang, alam na ng lahat kung sino ang kukunin para gumanap sa role ni Cleo.

