Maigi nang maniguro at baka mapagsamantalahan pa sila. Ito pa namang si Noel ay knock-out na. Halos kaladkarin na nga niya ito patungong kotse para lang makauwi sila. Lagot talaga ito sa kaniya paggising nito bukas. Nang makarating sila sa condo, iiwan na sana niya ito sa sasakyan, pero kusa naman itong bumaba kahit halos nakapikit pa rin ang mata. Inakay na lang niya ito. Wala naman siyang choice. Mamaya, mareklamo pa sila ng ibang residente. Pagpasok nila sa loob, natuluyan na itong makatulog sa sofa. Babalik na sana siya sa pagtulog, ang kaso, ngayon ay tila natakam naman siya dahil 'di siya nakainom kanina. Bawal nga kasi pagkat siya ang nagmaneho pauwi. Nagtungo na lang siya sa kusina para alamin kung meron ba silang beer sa ref. Kahit non-alcoholic beer

