[Pagpapatuloy...] "Sa bagay, ni hindi niya nga tinanggap ang alok kong tulong sa 'yo," wika nitong mukhang bahagyang nalungkot. "Kumusta ka ba? Hindi ka ba gaanong nahihirapan? Okay ka na ba ngayon?" Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya. "Huwag na po kayong gaanong mag-alala, medyo nakakapag-cope up naman na po ako. May nakilala po akong tao noon na tumulong sa sitwasyon ko," tugon niyang saglit na napatingin sa kung saan nang maalala ang estudyante na isa sa nagbigay ng lakas ng loob sa kaniya, sa kabila ng kinahinatnan nila. Nasaan na nga kaya ang taong iyon? "Mabuti naman kung ganoon. Pero, kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. Magsabi ka lang." Mukhang seryoso ang kaniyang Mama Bella sa sinasabi nito. "Itanong mo rin ang papa mo at ba

