[Pagpapatuloy...] "Naaksidente si Camille," tugon ni Janice. "Wala ka ng partner at wala pang napagddesisyunan kung anong mangyayari." "Naaksidente? Bakit? Kumusta na siya, nasaan ba siya?" wika nitong medyo nagulat sa nangyari. Sinagot naman niya ang lahat ng katanungan nito. Mukhang nakaintindi naman ito sa maaaring mangyari nang gumuhit sa mukha ang pagkabahala. "Papalitan agad siya. Matagal pa opening di ba? " tanong niya. "Oo at hindi namin alam kung saan kukuha. Naiisip nilang magpa-audition ulit. Pero my gosh, si Camille lang ang nakikita kong bagay sa role na ‘yon." "Bakit hindi na lang ikaw?" wika ni Nathan. Hinampas tuloy ito ni Janice sa balikat. "Eh 'di, sana hindi na nagpa-audition sa karakter na ‘yon umpisa pa lang kung

