"Okay, sabi mo, eh." Hinawakan na ng papa niya ang kamay ng bata at naglakad na ito patungo sa sala kung saan naroon sa sopa ang bag ni Sasha. "Ingat po kayo," pahabol ni Janice na kumaway sa mga ito. "Sasha, 'wag makikipag-away, ha?" bilin niya sa anak. "Opo, Mama," tugon ng bata sa pinakamalambing nitong tinig. Matapos ang paalamanan, lumabas na ang mga ito sa pinto. Mabuti na lang at nakuha na ng papa niya ang sasakyan kahapon. Dahil naiwan na siyang mag-isa, sinimulan na niya mabilisang pagkain. Mabuti nga at naipagtimpla na rin pala siya ng kape ng kaniyang ama. Kaagad na rin siyang nakaligo at nakapagbihis. Wala pang sampung minuto ay palabas na siya sa gate nila. Umingit ang tarangkahang bakal nang isara niya. Napatingin pa siya s

