[Pagpapatuloy...] Napanganga ang babaeng may katabaan at ilang taon lang ang tanda sa kaniya. "Eunice, nakapirma ka na ng contract for that," paalala nito. "Magdahilan ka na lang. Babayaran ko sila kahit magkano," sagot niyang binigyan ito ng matamis na ngiti. "I'll be busy this coming weeks. Mawawalan na ako ng time para doon at may ipagagawa ako sa ‘yo." Alam ni Eunice na ngayon, disidido na siya sa gusto niya. At gagawin niya ang lahat para makuha iyon, sa kahit na anong paraan. *** Nagawa mang makausap ni Gian ang ilan sa mga representative ng diyaryong naglathala ng balita tungkol sa lolo niya, hindi na raw 'yon para mabawi pa, lalo't malaki ang ebidensiyang kaakibat ng nasabing artikulo. Malinaw na p

