*** Pagdating ni Nathan sa condo, agad bumungad sa kaniya ang ngiting-ngiti na si Noel. Naroon ito sa kusina at abala sa pagtitimpla ng juice. Nasa kitchen counter na rin ang dalawang slice ng black forest na may cheery toppings. "Oh, may bisita ka?" wika niyang napasulyap sa living room pero wala namang ibang tao roon. Para namang inasinang bulate si Noel nang tumugon, "Naku, ang suwerte ko siguro kung sakaling ako ang binisita niya." Nakangiti pa rin ang lalaki na agad ding nabura. "Pero hindi. Nandiyan ang ate mo, nasa entertainment room at nanonood ng pelikula." "Ate ko?" bulalas niyang napaisip. Wala naman kasi siyang kapatid. "Binili niya itong cake. Ang sweet niya, ano?" wika pa nito saka patuloy na ngumisi. Ah. Saka niy

