Hindi naman makasagot kaagad si Nathan at nalipat ang tingin kay Abby. Nilapitan ito ng mom niya para aluin. Hinawakan pa nito ang likod ng balikat ni Noel para tapikin. "I'm sorry, Noel. Ayos ka lang ba? Nagulat ka ba namin?" Dahan dahang tumayo ang kaniyang manager na napaiwas ng tingin. "A-ayos lang ako. Lilinisin ko rin 'to agad," wika nito saka nagmamadaling humakbang palabas. "Anong problema niya?" wika ni Abby na sinundan ng tingin ang lalaki. "Nakita mo ang natapon na juice na 'yan?" Turo niya sa nasa lapag. "Ganyang-ganyan ang puso niya ngayon. Nanghihinayang." "Ano bang sinasabi mo riyan?" sabi ni Abby na nangunot lang ang noo. "Abby, may itatanong pala ako sa ‘yo?" Saka naman naalala ni Nathan ang bagay na iyon. "Ano naman ‘yon?" Muli siyang naala

