*** Buong araw, dinaig pa ni Nathan ang istatwa kung daan-daanan lang ni Janice. Mas malamig pa sa yelo ang pagtrato nito sa kaniya. Kanina nga noon nagkasalubong sila, ni hindi man lang siya niton nilingon. Parang mas lalo pa itong nawalan ng pakialam sa existence niya. Mukhang nagalit talaga ito dahil sa nangyari kagabi. Ngayon niya lang ulit ito naramdaman. Natuluyan na nga yata siya. Bakit ba siya nabo-bother sa isang gaya ni Janice? Hindi yata ito tama. Siya kaya si Nathan de Guzman. Walang puwedeng gumawa nito sa kaniya. Kaya anong ginagawa niya ngayon sa tapat ng bahay nina Janice? Itinanong pa talaga niya ito kay Candy at hindi naman nag-alinlangan ang babaeng 'yon na ibigay sa kaniya. Sino lang ba ang makakatanggi sa tulad niyang sikat na aktor, si Janice lang. Wala nang iba

