[Pagpapatuloy...] Natigalgal na siya dahil sa panlalaki ng mata ng dating asawa. "Anong sinabi mo?" sigaw ng babae. "Ulitin mong sinabi mo! Sinong nawala? Paanong nawala?" Hinawakan pa ni Emily ang kaniyang magkabilang balikat. "Limang taon nang patay si Jizelle, Emily," pag-amin ni Mang Ariel na napatingin sa ibaba kasabay ng pag-agos ng luha. "Si Jizelle ko...?" Nagsimula na ito sa sariling paghihinagpis. "Wala na si Jizelle ko?" At mas lalo pang lumakas ang pagbalahaw nito na halos umabot sa kabilang mga puwesto. Napapalingon lamang ang ibang napapadaang kustomer sa babaeng, 'di nila alam na ngayon lamang nagdadalamhati sa pagkawala ng anak, ilang taon na ang nakararaan. Wala namang magawa si Mang Ariel kundi ang lumapit at yu

