Chapter 84

1821 Words

*** Kinabukasan, maganda ang panahon nang makarating si Janice sa teatro. Napakasigla ng liwanag ng araw na kalaro ng mga ulap. Sana lang ay 'di niya muna makita si Nathan at 'di pa rin kasi humuhupa ang pagkabuwisit niya sa lalaki. Pagpasok niya sa locker area, nagtungo siya sa locker niya para maitabi ang gamit. Mayamaya rin ay dumating si Candy na sinalubong pa siya ng tili. Kasunod naman nito si Mervin na nakipag-apir pa sa kaniya. "Naku, Janice! Go na go na talaga ang reunion natin!" "Anong reunion?" wika niyang saglit na napaisip. "'Yong reunion natin?" "Oo!" wika ni Mervin na malawak din ang pagkakangiti. "Naka-chat namin ang iba nating member kagabi. Uuwi raw sila for vacation. Ang galing nga kasi sabay-sabay silang uuwi, eh!" Muli itong nakipag-high five sa kaniya. "Kaya nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD