*** Panay pa rin ang huntahan ng grupong pumalibot kina Janice at Sasha habang nakikinig lang sa isang tabi si Nathan. "Wala pala talaga siyang boyfriend?" bulong niya sa sarili. "Bakit naman kaya? Siguro nililigawan siya ng teacher ni Sasha?" "Anong ibinubulong-bulong mo riyan?" usisa ni Gian na hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya at nakamasid lang din sa eksena. "Ni minsan ba, walang naipakilalang boyfriend sa 'yo si Janice??" tanong ni Nathan. "Bakit naman niya sa akin ipapakilala ang boyfriend niya, tatay niya ba ako?" pamimilosopo ni Gian na napataas ang magkabilang kilay. "Saka, bakit mo naman gustong malaman ‘yon?" Natigilan ito at napatitig. "Huwag mong sabihing--?" "Ano ba, Gian, gusto ko lang malaman. Hindi ibig

