[Pagpapatuloy...] "Kuya, magkakilala na sila ng anak mo. Magkatrabaho sila sa teatro. Nakita ko siya kanina." Mapait na napangiti si Teacher Bert. "Naaalala mo ba ang batang kasama ni Jonas nang makilala natin siya noong bata pa siya? Si Janice 'yon, Kuya!" "P-paano mo nalaman?" Muling nangunot ang noo nito. "Nakita ko ang childhood pictures niya. Nakilala ko siya kaagad dahil nakapaskil ang litrato nila noon sa kuwarto mo, 'di ba?" pahayag niyang saka nangilid ang luha. Masakit para sa kaniya na alalahanin pa ang bagay na ito, pero wala siyang ibang magawa dahil parte na ito ng memorya niya. Nag-iwas ng tingin ang kuya niya na bumitiw na rin sa kaniyang kamay. "Tama na. Tigilan mo na ang paglapit sa kanila dahil lang sa nakokonsensya ka. Matagal ko nan

