[Pagpapatuloy] "Mabuti at alam nilang nagkamali sila. Sana, alam din nilang mali sila ng taong hinahangaan!" Patuloy lamang sa pagngingitngit si Janice nang lakumusin ang nahawakang labahan. Nabubuwisit pa rin talaga siya sa lalaking iyon. Kanina nga noong nagpapa-meeting si Direk Gian tungkol sa kaunting pagbabago ng schedule, panay naman ang parinig at pang-iinis sa kaniya ni Nathan. Paulit-ulit lang ito ng sinasabi. "Napakayabang talaga ng hambog na 'yon!" bulalas niya sa sarili. Naistorbo siya sa kaniyang ginagawa nang mag-vibrate ang kaniyang phone. Kinuha niya 'yon sa bulsa at binasa ang mensahe mula sa isang unknown number. 09**4321432: [HOy] Napakunot ang noo niya dahil sa pagiging magalang ng mensahe. Binura na niya 'yon at hindi inintindi. Baka i

