Chapter 06

1214 Words
KINABUKASAN ay medyo tinanghali ako ng gising. Almost eight na nang bumaba ako ng kuwarto. Nakaligo na naman ako no'n at handa nang umalis. Dumeretso muna ako sa kusina para kumain. Tuesday ngayon at kapag ganitong araw ay maaga ang pasok ni Mina sa school. Ngunit bago umalis ay nakapagluto na naman ito at nakatakip na iyon sa mesa. I started eating. Mula no'ng araw na iutos ni Jass na bumili si Mina ng mga platong plastik ay iyon na nga ang ginagamit ko kapag kakain. Pero sa kape ay naka-mug pa rin ako. I just always make sure na hindi ko na malapit sa edges iyon inilalagay para iwas disgrasya. Natigilan ako sa pagsubo nang marinig ko ang mga busina sa labas. Huminga ako nang malalim. Nandito na siya. Bakit ba ganito na naman ang kaba ko? Binilisan ko na ang pagkain. Ngunit natigilan akong muli nang makarinig naman ng sunud-sunod na katok mula sa pinto. Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi. 'Naku naman itong si Mina...' nasabi ko pa sa isip. Bakit ba kasi kailangan pang i-lock ang pinto? Mukha namang walang magnanakaw sa subdivision na ito. Nang mas lumakas at nagsunud-sunod pa ang mga katok ay napilitan na akong tumayo. Isa pa itong isang 'to, hindi man lang magdala ng duplicate key. Paano pala kung walang tao sa loob? 'Hays!' Pinaka-ayoko sa lahat ay itong nagkakaharap kami. Nawawala ako sa sarili ko. But I had no choice. Naglakad-takbo na nga ako para makalapit agad sa pinto. Napapikit pa ako nang mahawakan ko na ang seradura. Nakatungo ako nang buksan ko na iyon. "What took you so long?" malamig na bungad ni Jass. Hindi na nito hinintay pa ang sagot ko, bagkus ay walang habas na itong pumasok sa loob. Wala akong nagawa kundi pagmasdan na lang ito habang paakyat na ng hagdan. Bakit kaya palagi na lang itong bad mood 'pag nakikita ako? Couldn't he just be casual? Ganito ba talaga ito umasta? Pero ang sabi naman ni Mina, mabait ito. Sobra. Pero bakit iba ang nakikita kong asal nito? Whatever. Sabi ko na lang sa isip. Bumalik na akong muli sa kusina. Tinapos ko na ang pagkain. Wala roon ang toothbrush ko kaya kinailangan ko pang bumalik sa taas. Tantiyado ko lahat bawat hakbang dahil ayokong magpang-abutan kaming muli. Dahil male-late na rin ako ay nagtatakbo na ako palabas ng aking kuwarto. Lalo akong nagmadali nang malapit na ako sa kaniyang silid. Ngunit isang maling hakbang ko at bigla akong bumuway. Mabuti na lang nakakapit ako sa gilid ng hagdan kung hindi ay magdedere-deretso ako ng gulong pababa. "s**t!" impit na daing ko. Matinding sakit sa aking bukong-bukong dahil nadali iyon nang bumagsak ako. May naipit pa yatang ugat. Pudpod na kasi ang ilalim ng sapatos ko kaya medyo madulas na 'pag itinatapak. Sinubukan kong tumayo. Napasilip ako sa cellphone ko. Malapit nang mag-8:30. Hindi dapat ako ma-late. Pinilit kong humakbang pababa kahit medyo nanlalambot pa nga ako. Nang hindi ko talaga kayanin ay naupo muna ako sa baitang ng hagdan. Hinilot-hilot ko ang parteng masakit. Imbes na mapadali ako ay lalo tuloy akong natagalan. 'Pag minamalas-malas nga naman. "O, ano 'yan?" Lalong nadagdagan ang tensyon ko nang marinig ang baritonong boses ni Jass. Bigla tuloy akong napaayos ng upo. Multo ba ito na bigla na lang lumilitaw kung kailan gusto? Hindi ko na naman naramdaman ang paglapit niya. "W-Wala, m-may pinulot lang," kabadong sagot ko. Sa peripheral vision ko ay nakita kong bumaba siya ng dalawang baitang sa akin. "Bilisan mo't tumayo ka na diyan at ayokong ginagawang tambayan ang hagdanan ko," paasik niyang sabi. Napilitan tuloy akong tumayo. Ano ba'ng mayroon sa hagdan na 'yon at ang laki-laki ng issue? Hinigpitan ko ang kapit sa hagdan at pinilit kong humakbang. Pero hindi ko kinaya kaya muntik na naman akong matumba. "s**t!" I heard him shriek. Nakalikha kasi ako ng mahinang kalabog na agad ikinatigil ng pagbaba niya. Mabilis siyang lumapit sa akin na ikinagulat ko. "Damn. Ano ba'ng problema mong babae ka?" asik niya sabay buhat sa akin. I was really startled. And shocked. I didn't really expect that from him. He was quite sweating nang mabaling ako sa kaniyang mukha. Hindi siya nakatingin sa akin bagkus sa daang binabagtas niya. Muli niya akong inakyat sa taas at dinala sa single chair na naroon. Salubong ang mga kilay niya but at the same time mababanaag na may pag-aalala siya. I almost skipped a beat habang buhat-buhat niya ako. Nagdulot iyon ng kalituhan sa isip ko, at kakaibang kabog sa dibdib. Specially, when I felt his arms and muscle when he lifted me. "My last rule... is to be careful when going up and down the stairs. Sobrang hirap bang sundin iyon? Even a ten-year-old kid can do it!" Galit na galit ang hitsura niya. "W-Well.... you could have just let me slip down," bigla kong nasabi. Hindi niya ba naisip na hindi ko naman ginusto ang nangyari? That accidents can really happen kahit gaano pa kaingat ang isang tao? Aminado ako nagmamadali ako, but it's just that... I didn't see it coming. Lalong umusok ang ilong niya. "At sumasagot ka pa talaga?!" Minsan kasi nakakainis na. Palagi na lang siyang nakabulyaw. Alam kong ayaw namin sa isa't isa pero at least sana magpaka-professional siya. Puwede naman kaming maging kaswal. Hindi 'yong palaging may tensyon. Puwede namang hindi kami magpansinan pero maayos naman mag-usap kapag kailangan. "Kung tutulong ka, tumulong ka na lang. Hindi 'yong manenermon ka pa. Kung hindi rin lang naman bukal sa loob mo, eh 'di sana, huwag ka na lang mangialam." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng tapang pero talagang nasabi ko iyon. "You're in my house kaya lahat ng gusto kong gawin at sabihin ay gagawin ko. You're nothing here but just a border!" hindi patatalong sagot niya. Lalo akong nainis. "E-Eh 'di magbabayad ako! Monthly. Magkano ba para hindi mo na ako sigaw-sigawan at malaya akong makagalaw rito, ha?" I bit my lower lip. Mali yatang sinabi ko iyon. Bahala na! He smirked. "Hinamon mo pa talaga ako? Twenty thousand a month, ano kaya mo ba? Nagmamalaki ka dahil nakahanap ka ng trabaho? To think naman na kayang-kaya mong pantayan ang sinusuweldo ko. Kung hindi mo kayang magtiis, magkulong ka na lang sa kuwarto mo." Sasagot pa sana ako kung hindi ko lang naalala ang oras. Napatingin agad ako sa phone ko. Gosh! It's quarter to nine. "O, saan ka pupunta? We're not yet done." Mayamaya kasi ay tumayo na ako. Nawala na ang sakit sa bukong-bukong ko. "P-Pag-iisipan ko," nakataas noong sabi ko sa kaniya. Bahala na, ang mahalaga malaman niyang hindi rin ako patatalo sa kaniya. "What?" "Kung kailangan kong humanap ng iba't ibang part time jobs para makabayad lang ng monthly upa sa 'yo ay gagawin ko." Nagsimula na akong humakbang. "Oh, better, humanap na lang ako ng ibang mauupahang bahay. Uuwi na lang ako rito kapag nandito ang mga magulang mo. What about that, hmm?" I secretly laughed nang makita ang reaksyon sa kaniyang mukha. Alam kong hindi niya inaasahang pananagutan ko ang panghahamon ko sa kaniya. "Subukan mo lang-" "Talaga!" I checked my phone again. 8:55 na. "Kailangan ko nang umalis anyway. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap," sabi ko saka mabilis na bumaba ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD