"JEN..."
Nagulat ako nang may pumisil sa aking balikat. Paglingon ko ay nakita ko si Dino na naka-formal attire at fresh na fresh ang hitsura.
"O, akala ko nasa bahay ka," nagtatakang sabi ko habang sinisipat ito ng tingin.
"Pasensya ka na, hindi ko nasabi. Kahapon kasi ginawan ako ng resumè ng pinsan ko tapos ipinasa niya sa manager nila. Tinawagan ako kaninang umaga para sa initial interview. May dala na nga akong requirements eh, para kung sakaling makapasa, maipasa ko agad," masayang balita nito.
Nagalak din ako sa sinabi niya.
"Buti naman. Sana matanggap ka, Dino."
"O, bakit parang late ka na?"
Idinaan ko na lang sa ngiti. "Oo nga eh. Tinanghali kasi ako ng gising." Sa sobrang pagmamadali ko kanina ay nalimutan ko na siyang i-chat. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Nasa second floor ang store na pinagtatrabahuhan ko kaya sasakay pa ako ng escalator. "Saan ba 'yang trabahong inaplayan mo?" tanong ko habang naghihintay kami sa pag-akyat.
"Sa may fast food. Malapit lang sa appliance store na pinapasukan mo."
Mas lalo akong nilukuban ng tuwa. "Sana matanggap ka diyan para araw-araw tayong magkikita. Goodluck sa interview. Kaya mo 'yan. Pa'no ba 'yan? Kailangan ko nang magmadali. Sana hindi ako mapagalitan." Pagkatapos magpaalam sa isa't isa'y nagmamadali na akong naglakad-takbo papasok ng store. Deretso ako sa supervisor na nagte-train sa akin. Nagpaliwanag ako sa nangyari.
"Okay, pero sa susunod, bawas sahod na 'yon ah," sabi nito.
"Opo. Pasensya na, Sir. Huling late ko na talaga ito."
NANG kinatanghalian ay muli kaming nagkita ni Dino. Isang magandang balita ang sinabi nito. He passed the interview at medical na ito.
Highschool graduate naman iyang si Dino. Moreno at may katangkaran din. Katamtaman ang katawan at may pleasing personality. Magiliw rin itong makipag-usap kaya alam kong makakapasa ito.
"May alam ka bang murang boarding house malapit sa inyo?" tanong ko habang kumakain kami.
"Bakit? Aalis ka na sa bahay ng asawa mo?"
Tumango ako. "Plano ko sana 'pag nagtuloy-tuloy na ang pasok ko. Nakakainis na kasi eh. Feeling ko hindi ako malaya sa buhay ko." And I suddenly remembered the scene this morning. I left nang hindi pa tapos ang usapan namin. Sana naman maisip-isip ni Jass ang punto ko.
"Bakit? Sinasakal ka bang masyado? Marami bang bawal? Sinasaktan ka ba, ha?" May pag-aalala sa mga mata ni Dino.
Umiling-iling ako. "Hindi naman niya ako sinasaktan. It's just that, hindi ako komportable sa bahay na iyon. Ewan ko ba. Kapag nakikita ko siya, parang natatakot ako parati."
Napabuga ito ng hangin. "Ano kayang pumasok sa isip ni Mang Juanito at pumayag na maikasal kayo? Eh, hindi n'yo naman gusto ang isa't isa."
Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko rin. Minsan naiisip ko, baka ibinenta niya ako. Hay... Ayaw ko na lang mag-overthink dahil baka lalo lang bumigat ang pakiramdam ko."
Nang matapos ang oras ng breaktime ko ay bumalik na ako sa store. Si Dino naman ay pinauwi ko na at sinabihang huwag na akong sunduin mamayang uwian para makapag-ready ito para sa medical bukas. Umuwi akong mag-isa nang mag-alasais. Dahil sakto lang ang dala kong pera ay hindi na ako nakapagmeryenda. Deretso sakay ako ng jeep.
"KAIN ka na, Ma'am Jen," aya sa akin ni Mina. Buti na lang talaga at may iba kaming kasama rito sa bahay at kahit papa'no may nakakausap ako.
"Mamaya na siguro, Mina, salamat." Akma ko nang isasara ang pinto pero pinigilan ako ng katulong.
"Hindi puwede, Ma'am. Utos ni Sir Jass na pababain kita sa kusina. Please po, sumunod na lang kayo para hindi ako mapagalitan," pagmamakaawa nito. Bigla akong kinabahan.
"S-Sabihin mo nagpapahinga na ako. Tulog na. Pagod ako maghapon. Mamaya na ako kakain," tanggi ko dahil ayaw ko talagang makaharap ito. Kung ano'ng tapang ko kaninang umaga ay siyang duwag ko naman ngayong gabi. Paano kasi, nakita ko kung gaano kadilim ang mukha ng asawa ko habang nakatingin sa akin sa may veranda ng kuwarto nito nang makapasok na ako sa gate kanina. Malamang inaabangan niya ang pagdating ko. Hindi pa ito marahil nakaka-move on sa naging diskusyon namin.
"Eh, Ma'am naman eh, nakita na niya kayo!" Hindi pa rin ako tinantanan ni Mina. "Ma'am Jen, please? Gagawa pa ako ng assignment ko, puntahan n'yo na siya, please? Tutal mag-asawa naman kayo. Kailangan n'yo rin mag-usap kahit minsan."
"Mag-asawa sa papel," pagtatama ko. Kung hindi ba naman kasi mangonsensya ito, hindi talaga ako papayag. "Sige na nga, bababa na ako," napipilitang sabi ko.
"Sabay na tayong bumaba, Ma'am!"
Napabuga ako ng hangin. "Sige, sandali!" Isinara ko muna ang pinto ng kuwarto ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Nakasuot ako ng ternong pantulog. Itinali ko ang mahaba kong buhok at saglit na nagbitaw ng pampalakas loob na mga salita para sa sarili. Nang matiyak na kalmado na ang dibdib ko ay saka ko muling nilabasan si Mina.
"Tara na, Ma'am!" Hinawakan pa nito nang mahigpit ang isang braso ko para matiyak na hindi ako uurong. Hila-hila niya ako hanggang sa makababa kami ng hagdan at makarating sa kusina. Doon na nga ako sinimulang atakihin ng kaba. Nakaupo si Jass patalikod sa amin. Hindi gumagalaw ang mga balikat. May mga nakahaing pagkain sa mesa ngunit hindi pa niya nagagalaw. Hinihintay niya ba talaga ako?
"Sir Jass, andito na si Ma'am Jen!" Nasiko ko pa si Mina nang hindi ko sinasadya. Sumenyas pa ito na aalis na sa akin.
Ngunit hindi natinag si Jass sa kinauupuan. Ako naman ay parang nanlalamig na hindi malaman kung saan pupuwesto. Parang gusto kong tumakbo palayo.
"What are you waiting for? Sit!"
Ang maawtoridad na boses na iyon ang lalong nagpatameme sa akin. Aksidente pang nagtama ang aming mga mata. Lalo tuloy akong mamatay-matay sa kaba. Para pa akong maiihi.
"Eat," utos pa nito. Nagsimula na itong magsandok ng pagkain sa plato nito. Para pa rin akong tuod na pinagmamasdan itong matapos.
Kaunti lang ang kinuha kong kanin at ulam. Alam kong tinapunan niya ako ng tingin ngunit hindi ko pinangahasang salubungin iyon.
Naghihintay ako ng sasabihin niya until he started eating. Nagsimula na lang din akong kumain. Maingat ang bawat kilos ko at halos hindi ako lumilikha ng ingay.
"So, may nahanap ka na?"
I almost froze when I heard him speak again. Nang tingnan ko si Jass ay patuloy ito sa pagkain. But I know he's waiting for my answer.
"W-Wala pa." Halos hindi ako humihinga.
"Do you know anyone here?"
Napasinghap ako dahil sa muli niyang pagtatanong. "Si Di-" I suddenly paused. Napalunok ako. Muntik ko nang mabanggit ang pangalan ng boyfriend ko. I don't know if he's aware, kung alam niya o may nasabi ba si Tatay, but I almost skipped a beat. Kung wala pa siyang ideya, dapat mapanatili kong lihim iyon hanggang sa huli. "Wala," bawi ko while trying to stay calm and casual.
Tumigil ito sa pagnguya at matamang tumingin sa akin. He was like reading my mind. I know he's more quick-witted than me, dahil mas mahirap ang propesyong natapos at tinatrabaho niya ngayon but I should not let him overcome me that easily.
"Ang lakas ng loob mong magsabing magbubukod ka, wala ka naman palang kakilala rito. Kung mapahamak ka, kargo pa kita. Sabihin pa ng ama mo, pinabayaan kita." Pinunasan nito ng tissue ang nangilid na sarsa sa labi nito. "At akala mo, ikaw lang ang nagtitiis? Ako rin. Ayaw rin kita rito pero mas okay na itong nakabukod tayo at least walang matang nakamasid sa atin."
He finally put down his spoon and fork. Uminom na ito ng tubig. At ewan ko ba kung bakit imbes na intindihin ang mga sinabi ni Jass ay bigla na lang akong nahalinang pagtuunan ng pansin ang paggalaw ng lalamunan nito habang lumulunok. I found his adam's apple so firm and sexy. At sa kabila ng matitiim nitong titig, hindi maitatanggi ang kaguwapuhan at kakisigan nito. Bagay na may pinagtatakhan ako. Sabi kasi ni Mina ni isang babae wala pa itong dinadala sa bahay na ito. Imposible kayang.... bahagyang nanlaki ang mga mata ko... huwag naman sana... pero hindi kaya lalaki ang hanap nito? Kaya galit na galit kapag nakikita ako?
Oh my God!
Tumayo na si Jass. Hindi na siya kumibo o tumingin pa sa akin. Iniwan niya lang ang mga pinagkainan niya. Pinagmasdan ko pa siya habang naglalakad siyang palayo. Hindi naman siya mukhang silahis o ano. Lalaking-lalaki ang lakad at dating niya.
I pinched myself. 'What are you thinking of, Jennifer?'
Muli kong ibinalik sa kaseryosohan ang isip ko. Inisip ko na lang ang mga huling sinabi niya. May point naman siya. Manila ito, napakalaki ng kinaibhan nito kaysa sa nakagisnan kong buhay sa Cavite. Kahit magkalapit lang ang mga lugar na ito ay malayong-malayo ang klase ng pamumuhay ng mga tao rito.
Nagtitiis? Siya? Pero tulad nga ng naisip ko, puwede naman kaming maging casual sa isa't isa. Pero kung ayaw niya talaga, fine. Walang kaso sa akin. Masasanay rin ako sa ganito naming set up.