"KUMUSTA na kayo diyan, iha?" Ang malambing na boses ni Doktora ang bumungad sa akin pag-angat ko ng telepono. Kanina pa kasi iyon ring nang ring. Walang ibang sumasagot dahil wala si Mina at nasa school. Si Jass naman ay parang walang naririnig. Nakaupo at prente lang na nagbabasa ng magazine sa sala. Samantalang ako, pababa pa lang ng hagdan para sana kumain.
Day-off ko nang araw na iyon. It's been a month mula nang manirahan ako sa bahay na iyon. Para sa akin, malaking achievement na naka-survive ako ng ganoon katagal. Hindi natuloy ang aking 'nervous breakdown'.
"A-Ayos naman po," nangingimi pang tugon ko.
"Buti naman. Ano, iha? Dinatnan ka na ba? Hindi ka ba delayed? 'Pag delayed ka, ha, papa-check up ka kaagad." May halong excitement sa boses nito.
Napakunot-noo naman ako. "B-Bakit naman po ako made-delayed? Regular naman po ang menstruation period ko," sabi ko naman.
Narinig kong bumuntong-hininga ang matanda. "Nevermind, iha. Pero sana naman hindi matapos ang taong ito na walang magandang balita sa inyo. Gustong-gusto na talaga namin ng Daddy Jaime at Tatay Juanito mo ng apo. Antagal-tagal ko nang walang naalagaang bata."
Muntik na akong masamid dahil sa sinabi ng biyenan ko. Pero pinigilan ko ang sarili. Baka makahalata. "N-Naku eh... o-opo, h-hindi namin kayo bibiguin. P-Pangako ho iyan," sabi ko na lang. Hindi ko alam kung bakit kinailangan ko pang sumulyap kay Jass habang sinasabi ang mga katagang iyon. Si Jass na wala pa ring pakialam.
"Talaga, iha? Aasahan namin 'yan. Sana sa susunod na buwan, matanggap ko na ang magandang balita. Nga pala, ang guwapo kong anak, nandiyan ba?"
Napahinga pa ako nang malalim matapos kong sabihin ang 'Opo.' No choice but to make a fake promise. At least, binigyan ko sila ng pag-asa. Pero hanggang asa lang sila.
Pinatatawag niya ang anak at gustong makausap. Pero hindi ko naman alam kung paano ito ia-approach. Nakakatakot itong itsorbohin sa ginagawa. Parang magbubuga ng apoy. Pero sa huli, nilakasan ko pa rin ang aking loob.
"G-Gusto ka raw makausap ng mommy mo!" Tinakpan ko talaga ang mouthpiece para hindi marinig ng doktora.
"Tell her, I'm not here," iyon lang ang malamig nitong tugon. Ni hindi man lang tumingin sa akin.
"P-Pero sinabi ko nang nandito ka..." Habol ko pa. Ayaw kong mapahiya kay Doktora.
"Then tell her I just left!" Tumayo na nga ito. Halatang na-badtrip na nang tuluyan. Umakyat na ito ng hagdan nang hindi man lang tumitingin sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi samain ang loob dahil sa inasal nito. Ako nga, antagal-tagal ko nang hindi nakakausap ang mama ko. Because she's already dead. Pero ito, magulang na ang lumalapit ay tinatanggihan pa.
I took a sigh bago ko muling binalikan ang kausap sa kabilang linya. "D-Dokto- este - Misi - W-Wala na po si Jass, kaaalis lang po." Lito pa ako kung ano'ng itatawag sa ina nito. Nao-awkward akong tawagin ito ng mommy o mama dahil hindi naman maganda ang sitwasyon namin ng anak niya rito. But I know hindi ko na siya puwedeng tawagin ng Doktora o Misis Dela Luna.
"Ha? At bakit naman biglaan? Sinabi mo bang gusto ko siyang makausap?" Halata ang panghihinayang sa tono nito.
"O-Opo eh. K-Kaya lang, sobrang importante raw po ng lakad niya. Urgent daw po kaya dali-daling umalis," pagsisinungaling ko pa.
"Ganoon ba? Hay nako talaga 'yang batang 'yan! Kaya hindi nagkaka-girlfriend eh, puro trabaho ang inaatupag. Pero buti na lang andiyan ka na, iha. May maggagabay na sa aming nag-iisang 'anghel'. Huwag mo siyang pababayaan ah. Kapag sinaktan o sinabihan ka ng masakit, isumbong mo sa akin agad ah. Pero mabait naman iyan, iha, sa totoo lang... basta makuha mo lang ang loob. Sana magkaapo na kami sa inyo, hay... Diyos ko! Kay tagal ko nang inaasam-asam 'yan. O sige na, iha. Papaalam na ako't may gagawin pa. Tatawag ako ulit sa susunod."
Buti na lang at nagpaalam na si Doktora. Dahil hindi ko na kayang pakinggan ang mga sinasabi niya. Bakit ba ang lahat, bait na bait kay Jass? May mali ba sa interpretation ko ng mabait?
NAPA-HAY na lang ang ako nang i-check ang laman ng ref. Wala man lang na-istack na malulutong kahit ano roon si Mina. Puro juice, gatas, ice cream at beer lang. Magtatanghali na at medyo gutom na ako. At nagkataon pa, 'yong isa wala rin yatang pasok. Hindi pa kasi natutulog hanggang ngayon. Mayamaya kasi matapos ng pag-uusap namin ni Doktora ay bumaba ulit si Jass at tumambay sa sala. Nakailang akyat-panaog na ako at naroon pa rin ito. Now, I don't know what to do. Mamamalengke ba ako para magluto ng pananghalian namin? O o-order na lang ako online. Kaso kapag ginawa ko iyon, tatanungin ko siya kung ano ang gusto niya. Ayoko pa naman sa lahat iyong kakausapin siya.
Pasilip-silip ako sa kaniya mula sa kusina. Hindi ko alam kung nagbabasa ba talaga siya o ano. But he has his eyeglasses on at nakaharap ang nakabuklat na magazine. Pero hindi ko pa nakita kung inilipat na niya ba iyon ng ibang page.
Gutom na ako. Kung magsasariling order naman ako, baka sabihin niya hindi man lang ako nag-aya. Pero paano ba siya ayain kumain? Paano ba siya i-approach?
'Hay! Sana hindi na lang ako nag-day off.'
Kung nagkataon lang na walang pasok si Dino ay hindi ako mamomroblema nang ganito. Siyempre, mamamasyal kami no'n maghapon. Kaya lang, wala eh.
'Kaya mo 'yan, Jennifer. Napakaliit na problema iyan kumpara sa problema ng ibang tao,' sabi ko na lang sa isip para palakasin ang loob.
Dinampot ko na nga ang aking cellphone. Actually, first time kong o-order sa online ng pagkain. Nag-download pa ako ng specific app. Nag-register - etc. At ngayon nga ay nasa screen ko na ang lahat ng klase ng pagkaing available. But it's hard to decide. Isang silip pa ang ginawa ko kay Jass. He's sleeping now. Bahagyang nakaawang pa ang mga labi. 'But still looked so hot - Shut up, Jen!'
Suot pa rin niya ang eye glasses na bagay na bagay sa kaniya at hawak pa rin ang magazine na unti-unti nang dumudulas pababa sa hita niya. How could I not see eh nakaharap siya sa akin sa may kusina? Sandali ko pang pinagmasdan ang ayos niya. Mukha nga siyang mabait kung tititigang maigi. Ngunit iyon ay kapag tulog lang. Kapag kasi dilat ang palaging nanlilisik nitong mga mata, para itong dragon na handang magbuga ng apoy kung kailan nito naisin.
Ibinalik ko na nga ang pansin sa app. 'Bahala na nga.' Um-order ako ng isang bucket ng fried chicken. Tapos ay pizza. Dahil favorite ko ang mga iyon. Magsasaing na lang ako ng kanin at magtitimpla ng juice. Bahala si Jass kung kakain ba siya o hindi. Basta ito ang gusto ko. Napagdesisyonan kong huwag na lang isipin ang side niya dahil siya nga, wala namang pakialam sa akin. Um-order siya ng sarili kung ayaw niya. Hindi ko binayaran online dahil nga first time kong um-order. Natatakot akong magbayad tapos hindi pala makakarating nang buo sa akin. Thanks God saulado ko ang address ng bahay. Now, na-confirm ko na at waiting na lang ako.
Pagkasalang ko ng sinaing ay lumabas ako ng bahay. Siyempre sa labas ko hihintayin. May upuan namang available roon. Habang wala pa ay inabala ko muna ang sarili sa pag-scroll sa social media.
Bigla na lang naisipan kong hanapin ang pangalan ni Jass. Dahil curious ako. Kung active ba siya sa social media. O kung may iba ba siyang pinagkakaabalahan sa buhay niya maliban sa trabaho niya. I searched his full name. Jassi Daniel dela Luna. And I almost didn't blink my eyes nang may nag-appear na profile na mukhang-mukha niya ang nakalagay.
I stalked it. Oh. So he's really a surgeon. Sa Ayala Medical Hospital. He studied abroad. Iba't ibang certificates at awards na rin ang kaniyang natanggap. He also used to be a resident doctor in Canada. 'Wow!' Three years ago.
Bukod doon, he had also finished his study of Opthalmology. So doktor din pala siya sa mga mata? And had done a few operations pero sa pagiging general surgeon talaga siya tumagal. Hindi ko mapigilang matulala habang ini-imagine what he had gone through para marating kung ano man siya ngayon. It takes a lot of perseverance and intelligence para ma-achieve ang lahat ng iyon. So sobrang talino niya pala talaga? Pero aanhin naman ang sobrang talino kung ubod naman ng sama ng ugali?
I continued scrolling hanggang sa makakita ako ng mga ilang tagged photos. Mula iyon sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Group photos madalas at sa lahat ng pictures na nakita ko ay matamis siyang nakangiti.
Hindi ko alam kung bakit bigla ay parang nakaramdam ako ng inggit. Lalo na nang mapansin ko ang isang nurse na madalas niyang kasama at katabi sa picture. She's pretty. Palaging nakahawak sa balikat niya kapag nagpapa-picture. Their smiles were genuine. Hindi kaya ang babaeng ito ang dahilan kung bakit malaki ang pagtutol niya sa kasal namin? Well kung ganoon, he could have just told his parents, dahil may nobyo rin naman ako. Eh 'di sana, wala kaming problema ngayon.
'Hay, nasaan ba ang talino mo, Jass?'
I wanted to see that smile too, bigla ay pumasok sa kukote ko. What if one time, mag-brag ako sa ospital na pinagtatrabahuhan niya? Pero natatakot ako. Baka kapag nakita niya ako ay palayasin niya ako. Baka mapahiya lang ako. What's there to see his smile anyway? Eh hindi ko naman siya...
"Delivery po!"
Napaigtad pa ako nang marinig ang malakas na sigaw ng lalaki. Ibinulsa ko na muna ang cellphone ko. Mamaya ko na itutuloy ang pang-i-stalk. Dali-dali na akong tumayo at nagtatakbo papuntang gate. Bitbit ko ang dalawang 500-peso bill. Nakangiti kong tinanggap ang in-order ko. Barya na lang ang naibalik na sukli sa akin ni Kuya.
Pagkaalis nito ay ni-lock ko na ang gate at nagtatakbo na akong papasok sa loob. Gutom na gutom na ako. Ngunit natigilan ako nang nasa sala na. Dahil ang iniwan kong nakaupo habang tulog na si Jass ngayon ay nakahiga na. Naglakad na akong muli pa-kusina. Sakto niyon ay kakaluto lang din ng sinaing. Pagkalapag sa mesa agad kong binuksan ang bucket, pati ang gravy. Nagsandok agad ako ng kanin. Mainit pa iyon pero trip ko pa rin ang kumain nang nakakamay.
Pasubo na ako nang maalala ang kasama ko sa bahay. Masarap kainin ang chicken pag mainit dahil malutong pa. Gisingin ko kaya? Tatayo na sana ako. Kaya lang, napaurong din. Eh baka kapag inistorbo ko ang tulog pagalitan pa ako.
NAKAPAGHUGAS na ako ng mga pinagkainan ko at akmang aakyat nang muli sa kuwarto. Ngunit hindi natuloy ang pagsampa ko sa may hagdan nang matukso akong mapasulyap sa tumutunog na cellphone ni Jass.
Tulog na tulog pa ito. At nasa center table ang cellphone. Baka importanteng tawag iyon. Gigisingin ko ba siya? O sasagutin ang tawag at sasabihing tulog pa ito? Nakailang ring na kasi iyon. At naaalarma ako.
"H-Hello?"
Sa huli ay natagpuan ko rin ang sariling pinapakialaman ang cellphone ni Jass at sinasagot ang tumatawag. Unregistered ang number ng caller.
"Hello? Number ito ni Doc Jass, 'di ba?" anang boses ng babae.
Napalunok ako. "O-Opo, ito nga."
"Where is he?"
Napalingon ako sa asawa ko. "T-Tulog."
"Ay gan'on? Pakisabi nga sa kaniya ito ang bago kong number. At tawagan niya ako ulit mamaya, okay?"
"O-Okay po." Napasinghap ako.
"But before I hung up, I wanted to confirm, you are Mina. His housekeeper, right?" anang babae.
Napalunok akong muli. "O-Opo, ako nga." Sinungaling.
"Okay. So I bet you know me, pakisabi na lang sa kaniya ah. Call me back later."
"O-Opo. S-Sasabihin ko po."
"Okay. Sige na, bye!"
"Bye!"
"Who was that?"
Muntik ko nang mabitawan ang cellphone nang biglang marinig si Jass. Gising na ito agad mantalang wala pa yatang kinse segundos nang tapunan ko siya ng tingin kanina?
"I said, who was that?" ulit pa niya. Hinablot na nga niya ang phone mula sa kamay ko. Tiningnan agad ang call register.
"S-Sab-"
"Sumasagot ka ng unknown number? Sino raw 'yon?" asik ulit nito.
"E-Eh, kuwan..." Napakamot ako sa ulo. "K-Kakilala mo raw. Bagong number niya 'yan. T-Tawagan mo raw siya... n-ngayon na." I bit my lower lip. Kung puwede lang maglaho nang mga sandaling iyon, malamang kanina pa ako nawala. Nakakasunog ang titig niya.
"So, sino nga? Ano'ng pangalan?"
Lalo akong namutla. Syet, sa lahat, bakit hindi ko iyon natanong? Eh kasi... hay. Dapat sinabi ko na lang pala ang totoo. Na hindi ako si Mina. Na asawa ako. Pa'no pala kung kabit iyon? Pero... ako nga may Dino, siya malamang ay mayroon din. Pakialam ko ba kung babae niya iyon..?
"N-nalimutan ko kung ano'ng pangalan," halos pikit matang sabi ko. Bahala na siya kung kakagatin niya ang palusot kong iyon o hindi. "P-Pero kakilala mo raw siya, k-kilala ka eh." I bit my lower lip again.
Jass gasped. Ibinato sa sofa ang phone. "Kung bakit kasi nangingialam ka. Tapos basta ka kakausap nang hindi muna kinikilala kung sino ang natawag. Pa'no kung scammer pala 'yon? Masamang tao? Pinahamak mo pa tuloy ako niyan!"
"P-Pasensya na. P-Pero sa tingin ko, hindi naman 'yan scammer o masamang tao. I think, she's your... mistress - este girlfriend!" Pagkatapos no'n ay nagtatakbo na akong palayo. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Ayoko na dahil darang na darang na ako sa kaniya. Para akong nasa hot seat. Ngunit bago ako tuluyang umakyat ng hagdan, nilingon ko pa siya. Salubong ang mga kilay niya at tila nalilito sa pag-iisip.