MAAGANG umalis si Jass kinabukasan, alam ko, dahil nakita ko siya nang bumangon at nagsimulang mag-asikaso ng sarili. Sinadya kong hindi ipakitang naalimpungatan ako sa ingay na likha ng pagbubukas sara ng closet niya. Wala pang alas-sais ng umaga ay lumabas na siya ng kuwarto at mayamaya nga ay narinig ko na ang tunog ng sasakyan niyang papaalis. Ipinagpatuloy ko ang tulog ko hanggang sa nagising nga ako ng bandang alas-otso. "Good morning, Ma'am Jen! Kumusta?" salubong na tanong sa akin ni Mina pagkababa ko sa kusina. Naabutan ko siyang nakaupo sa mesa habang nagre-review ng kaniyang mga notes. I pouted my lips at kaswal na humarap sa kaniya. "Okay lang naman," pasimpleng sagot ko. Dumampot agad ako ng baso at uminom ng tubig. "I mean, Ma'am, 'yong bakasyon n'yo po ang tinatanong ko.

