HAPON na nang magising ako at ewan kung bakit ang unang hinanap ng mga mata ko ay si Jass. Kapag nagigising kasi ako ay palagi kong ine-expect na narito siya sa aking tabi. Ngunit nang kumapa ang kamay ko sa kama ay wala akong nakapa maliban sa unan na nakatulugan kong yapusin. Dismayadong bumangon na ako at awtomatikong naglakad pa-veranda upang magbakasakaling matatanaw ko roon ang bangka kung saan siya nakasakay. Ngunit lalo lang bumigat ang pakiramdam ko nang hindi makita ni anino ng bangka. It was 20 after four in the afternoon. Ano'ng oras niya balak umuwi? Pagkatapos magbanyo ay bumaba na ako pa-kusina. Nagtimpla ako ng kape at naghanap ng mamemeryenda. I should not be thinking of him like this. Wala naman akong pakialam sa kaniya. Pero bakit ganito? Hinahanap ko talaga siya. Sa

