Chapter 28

1105 Words

HABANG naglalakad pabalik doon ay nag-uumapaw pa rin ang kabog sa aking dibdib. Galit na galit daw si Jass? Hindi ko ma-imagine kung paanong galit na galit ito. Sisigawan niya ba ako? Sasaktan? Hindi naman niya siguro magagawa 'yon. Kilala siya sa islang iyon na mabait na tao, 'pag ginawa niya 'yon, sisirain niya lang ang sarili niyang imahe. Dumoble ang nerbiyos at takot ko nang matanaw ko na nga ang asawa ko. Nakatayo ito sa tapat ng kubo kung saan niya ako iniwan kanina. Nakatingin sa dereksyon ko. Nakatiim ang bagang. Sa kanang kamay ay may hawak siyang bottled water. Iniwan ko iyon doon kanina. Uminom pa siya ng tubig at kahit lumalagok ay nanatiling nakapangko ang tingin sa akin. "Jass..." Uunahan ko na bali siya ng paliwanag pero nakakatakot ang uri ng paninitig niya. Para na nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD