"A-ATE..." Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Isang batang paslit na sa palagay ko ay tatlo hangaang apat na taong gulang ang nakita ko na umiiyak palapit sa gawi ko. Napakarumi ng suot nito at wala man lang saping pampaa. Sunog ang kulay sa araw at halatang malnourished dahil sa payat na pangangatawan. "Nagugutom na ako, ate." Base sa dereksyon ng mga mata nito ay halatang may iba itong tinatawag. Ngunit hindi ko ito inalisan ng tingin. "O, bakit sumunod ka pa rito? 'Di ba sabi ko sa bahay ka lang?" pasikmat namang sabi ng tinatawag nitong ate. Hinanap ng mga mata ko kung nasaan ang nagsalitang iyon. Hindi nga nagtagal ay lumapit nga ito sa kapatid. Tulad ng nakababatang kapatid ay maiitim din ang balat nito. Luma na rin ang suot na damit at may kapayatan. "Nagugutom na kasi ako.

