Mas maagang natapos ang photoshoot ko kaysa sa inaasahan. At siguro naman masasabi pa ring kabilang na ito sa bucket list sa kabila ng ilang kumplikasyong nangyari. I should be proud of myself because I crossed off another bucket list item in the middle of uncertainty. Inabutan ako ng inumin ni PJ. Nilagyan na rin niya ito ng straw para sa akin. Naka-Indian sit kami sa marmol na sahig at kumakain ng donut na dala niya. Dahil siksik ito sa vanilla filling ay muntik na itong tumulo pagkagat ko. Agad naman niya akong inabutan ng tissue na para bang binabantayan niya talaga akong kumain kaya sobrang attentive niya. We remained silent for quite some time while eating until he was the first one to break the silence. “Gusto ko lang sanang suportahan ka kaya ako nagpunta rito. Pasensya na’t i

