“Ako ang haharap kapag ganuon ang customer.” Si PJ ang unang bumasag ng katahimikan. Nakayuko lang ako, nakatitig sa paa kong nakalublob pa rin sa tubig. Hindi ko maiwasang mapatingin sa ulo ni PJ dahil nakaluhod siya sa harapan ko. Nakatitig din sa paa ko na para bang may iba pa siyang maitutulong sa pagkapaso ng balat ko sa paraang ito. “Kaya ko naman,” simpleng sagot ko. Bakit kailangan kong umasa sa kanya gayong trabaho ko naman humarap sa customers bilang manager ng Cup of Twist? “Alam ko. But it still bothers me.” Nagsalubong ang kilay ko. “Bakit? Wala namang mali sa mga sinabi ko kanina. Dapat nga--” “Oo. Pero ang hindi ko gusto ay ‘yung nalalagay ka sa alanganin. You’re not supposed to get hurt under my watch.” “Yeah, right.” Muntik na akong matawa. Ang pait ng panlasa ko.

