Nabitawan ni PJ sa lamesa ‘yong regalo ko sa kanya. Para bang nawalan siya bigla ng lakas hawakan ang mga ito. Kung bakit ba naman kasi ngayon lang ito dumating. Mas maganda sana kung naibigay ko ito sa kanya noong mga panahong maayos pa kami. Para sana mas masarap sa pakiramdam at pareho kaming nakakangiti… Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan namin ang isa’t isa. Nakatayo pa rin siya sa kusina habang malapit naman ako sa pinto ng unit niya. “Ngayong gabi na ako aalis. I think it would be the best for both of us.” Nagpakatatag ako nang sabihin ito kay PJ. Hindi ito madali lalo na’t ang lalim ng tingin nya sa akin, para bang tumatagos sa kaibuturan ko. “S-Saan ka pupunta?” tanong ni PJ, bakas ang pagkabigla sa mukha pero itinago niya ito sa pamamagitan ng pagsasalubong ng kany

