Aminado akong wala pa akong masyadong karanasan sa totoong mundo. I was not allowed to live like normal people because of my heart condition. Ngunit kahit papaano’y may ideya naman ako kung paano makisama sa tao. Kaya kahit alam kong may hidwaan sina PJ at Dylan, hindi ako nagpaapekto rito. Naging propesyonal lang ako sa pakikitungo kay Dylan kahit parang mangangain ng buhay si PJ nang lagpasan namin siya. Anong gusto niyang gawin ko? Itaboy ko ‘yong taong maaaring makatulong sa pangarap ko dahil lang sa ayaw niya rito? Hindi naman na kami mga bata. If he wants me to be matured, then he should do the same and accept the fact that we can’t always choose who we work with. At iyon ang sitwasyon ngayon. Sinamahan ko si Dylan sa bakanteng lamesa. At dito kami mas nakapag-usap nang maayos.

