“Akala ko ba busy ka sa raket mo?” pabulong kong tanong kay Tiffany. “Oo. But I can still spare some time for a friend,” sabi niya nang nakangiti. Halatang may iba itong ibig sabihin. Paano ba naman, inimbita rin niyang magtanghalian sina Quinn, Reign, at Bobbie kaya kasama namin sila ngayon. At pinili pa niya ang bistro kung saan alam kong nagta-trabaho si Marina bilang manager. Mad Dog and Big Wolf already told me the details this morning. Ito na yata ‘yong plano ni Tiffany kaya nag volunteer siya kay PJ kanina. And I think instead of letting PJ and his men deal with Marina, having us here is a better option. We are already being generous, given the fact that she is the mastermind of what happened in our soft opening. “Order lang kayo ng marami. Sagot ko na ‘to,” sabi naman ni Re

