Kabanata 71

2726 Words

“Bakit mo ba kasi sinuntok si Ryan? Alam mo namang marami siyang kasama!” halos pasinghal kong tanong kay PJ habang nililinis ang putukan niyang labi. I could see him flinching. Kaya kahit wala naman akong sugat ay parang nasasaktan din ako. Mabuti na lang talaga at nakaalis pa kami ng buhay sa Cavite! Hindi ko talaga malaman kung anong tumatakbo sa isip ni PJ noong sinapak niya si Ryan. Malamang ay pagkatapos ng ginawa niya, gumanti rin ito pabalik! Pareho pa namang malaki ang katawan nila. Ang mas nagpalala pa ay nang magtawag si Ryan ng mga kasama niya. Kaya nga kahit maliit lang ako, agad akong sumugod sa eksena para umawat. Akala ko pa nga ay magtutuloy pa ang away nila. Kaya lang talagang iniharang ko ang katawan ko sa harapan ni PJ, animo six-footer. Dito nawala ang tapang niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD