Maaga akong nagising dahil gumawa ako ng breakfast para kay PJ. Syempre ay sinamahan ko ito ng mainit na kapeng paborito niya. Hindi naman kasi pwedeng siya lang ang palaging nagpapakilig sa aming dalawa. Sa loob ng isang linggo, kahit na araw-araw ang napagusapan naming page-exercise, pinagbigyan ako ni PJ nang hilingin ko ang isang araw na pahinga man lang. At saktong ngayong Sabado iyon dahil bukas ay may lakad kami. Pagkatapos niya akong tulungang maglinis ng apartment kagabi, gusto kong maramdaman niyang well-appreciated ang lahat ng efforts niya. Sinimulan ko na ngang mas maging malinis dito sa apartment kaya lahat ng mga ginamit ko sa lababo ay agad kong hinugasan pagkatapos. Niligpit ko rin ang mga natirang ingredients sa ref para hindi masira sa labas. Alam kong nagsabi siya

