“Bakit hindi mo ‘ko hinalikan noong truth or dare?” “’Yung nilaro sa Batangas?” “Oo. ‘Yung dare na tinakasan mo. Pero kay Bobbie ay wala ka namang naging problema.” “How can I kiss the woman I like, in front of many people, when I haven’t even told her how I feel yet?” *** Every long lost dream led me to where you are… Parang naririnig ko pa rin ang pagkanta ni PJ. Kaya naman dahil dito’y unti-unting umangat ang magkabilang dulo ng labi ko. Kakaiba talaga ang hagod ng boses niya. It was as if he was saying I love you without limiting it to the use of just three words. Nag-inat ako at naghikab bago iminulat ang aking mga mata. Wala pa sana akong balak bumangon nang para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa bumulaga sa akin! Pinapalibutan lang naman ako ng mga katrabaho ko s

