DYLAN: Hey… just wondering if you’re free tonight? DYLAN: I want to discuss something about the exhibit. IAREE: Oh! Sorry. Pwede kahit bukas na lang? Anytime. Kahit sa Cup of Twist na lang sana ulit kung okay sa ‘yo. Lalabas kasi kami mamayang gabi ng mga katrabaho ko. DYLAN: Wow. Sounds fun. Saan kayo? *** “Ayaw kong sumama.” Well, at least I’ve tried. Ako mismo ang nag-aya kay PJ sa labas ng mga empleyado ng Cup of Twist. Halos ilista ko pa nga sa kanya ang advantages ng pagsama niya. Napa-research pa ako nang wala sa oras. I told him that by attending, he’ll have a stronger bond with his employees, which in turn, can also make him an accessible leader. Ngunit bandang huli ay rejected pa rin ang aking proposal kahit Ingles pa ang ginamit ko sa pagpapaliwanag. Nakailang pilit ak

