Kabanata 67

2890 Words

Anong oras na ba? It’s just five in the morning! Kaya bakit may kumakatok na ng ganito kaaga sa apartment unit ko? Hindi ko na sana balak pang pansinin ‘yong kumakatok kaya lang ilang minuto na pero ayaw pa rin nitong tumigil. Kaya naman sa takot kong mareklamo ng mga kapitbahay, napilitan akong bumangon nang wala sa oras. Dapat kasi ay alas siete pa talaga ang gising ko para maghanda papasok sa Cup of Twist. Kaya kung sino man ito, siguraduhin lang niyang may maganda siyang rason para gisingin ako. Hindi pa naman ako nakatulog nang mahaba kagabi dahil bukod sa napaisip ako kung sino ang misteryosong nagpadala sa akin ng bouquet of roses, sobrang saya ko rin dahil sa wakas ay nagkaroon na kami ng label ni PJ. Ang daming bagay na gumugulo sa isip ko kaya paudlot-udlot ang tulog ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD