What would it be like to be a real student? Matagal at paulit-ulit ko na rin itong naitanong sa sarili noon. Kaya naman nang sa wakas ay nakapag-enroll na ako sa university, kahit 1-year program lang ang pinili ko ay masayang-masaya na 'ko. Sapat na ito para malagyan ng tsek ang unang item sa bucket list ko. And I guess it’s also enough time for me to find the answers to the questions that never left my mind and heart… Dahil anong oras na rin nang matapos kaming mag enroll ni PJ, bago bumalik sa bahay ay napagkasunduan naming mag lunch muna sa cafeteria ng university. Tamang-tama dahil gusto ko rin namang mapuntahan ito. Ilang taon ding nag-aral si PJ dito kaya mas alam niya ang pasikot-sikot. “Hindi mo ba tatanungin kung bakit kilala ka ng singer na ‘yon?” tanong ni PJ sa akin haba

