“Kung gusto talaga ako ni PJ dati, bakit nalaman kong may iba siyang nililigawan?” Dahil sa binitawan kong tanong ay naglaho ang ngiti sa labi ni Reign. Imposibleng makalimutan ko ang tungkol kay Andrea dahil nasaktan talaga ko noon sa nalaman bago ako lumipat. In fact, malakas ang kutob kong ‘yong Andrea noon at Andrea na naging girlfriend ni PJ ay iisang tao lang. “Si Andrea ba ang tinutukoy mo?” Dumilim ang awra niya at ramdam ko naman ang bahagyang pagkirot ng puso ko nang makumpirma kong tama nga ang iniisip ko. “Kuya PJ actually hated her in college. They were blockmates pero sobrang magkaiba ang ugali nila. He had no dreams and plans, but she had many of them. As far as I know, she was a goal-getter and an achiever. Nababanggit lang siya ni Kuya dahil palagi silang nagkakaini

