Mabilis na dumaan ang mga oras, naka pagpahinga na rin ang kadarating na mag-asawa. Mag-aalas dose na rin kasi ng madaling araw, nilingon ko ang cellphone ko at wala pa ring mensahe o tawag mula kay Lars kaya naghanda na ako sa pagtulog, nang akma ko ng ipipikit ang aking mga mata. Subalit narinig kong tumunog ang cellphone ko. Unknown caller ito kaya inisip ko muna kung sasagutin ko ba o hindi, pero naalala ko na hindi ko pala nasave ang numero ni Lars sa cellphone ko kaya bumangon muna ako saka ko sinagot. “Hello?” Medyo paos ang boses ko dahil sa sobrang pagod. Narinig ko naman na napabuntong hininga ang nasa kabilang linya, kaya napa-pout na lang ako at inaantay ang sagot. “Hey! This is Lars, sorry I just finished organizing my flat. I also got some calls that’s the reason why I call

