6 am na ng magising ako, narinig ko kasi ang alarm ko. Agad kong pinatay ang tunog ng alarm dahil naiirita ako, wala kasi akong gana ngayon at inaantok pa. Nakita kong may mensahe si Mrs. Sørensen. Baka daw magabihan sila ng uwi ng mister niya. Kaya naman nag reply na ako sa kanya, bago pa binuksan ang mensahe ni Helen na pinapaalala ang milk tea na utang ko daw sa kanya kahit huwebes pa lang ngayon at sa linggo pa ang day-off namin. Kinukulit na naman niya ako na magkwento tungkol sa nga kaganapan daw sa buhay ko dahil mala drama daw. Napapabuntong hininga na lang ako habang tumitipa ng reply sa kanya. To Helena: Oo na, pero di ko maipapangako ha? Baka kasi may biglaang lakad ako eh. Lista mo na lang na utang ko sa’yo. Pagkasend ko ay agad naman siyang nag reply, kaya bago ko basahin

