Nanlalamig ang kamay ko simula nang sabihin sa’kin nu’ng nakausap namin na Indianong nurse na kilala niya ang nanay ni Lars, paulit-ulit kong tinitignan ang sarili sa salamin habang pasulyap-sulyap kay Helen kung tumawag na nga ba ang nakausap namin. Nakita ko na napatayo siya at medyo lumayo ng konti sa akin para sagutin ang tumatawag sa kaniya cellphone. Mataman naman akong nakinig, abot-abot ang kaba ko habang nakatingin sa kaniya.
“Yes? Oh yes this is us!---- really?! That’s nice to hear!! Thank you sweetie! We’re on our way now!” tila uod na binudbudan naman ng asin na pagsagot ni Helen habang kausap ang kaniyang next target. Ngunit wala akong oras para sakyan ang kaniyang kalokohan ngayon dahil sa sobrang excited ko, naisip ko na baka bumisita din si Lars sa kaniyang magulang ngayon dahil weekend na. Ginuyod na ako ni Helen papunta sa loob ng ospital, du’n daw kami magkikita sa cafeteria dahil naglulunch daw doon ang matanda. Madali kaming pinapasok ng security nang ospital dahil nagkunwari na lang si Helen na nahihilo, agad naman siyang dinaluhan ng mga nurses napatingin naman ako sa kaniya at kumindat siya sa’kin. Sinenyasan na lang siya na hanapin ko na ang cafeteria at tatawagan niya na lamang ako kung okay na, kaya naman ngumiti ako at nag-approve sign sa kaniya.
Lakad-takbo ang ginawa ko, di ko alintana ang mga taong nakatingin sa akin palinga-linga ako upang madaling mahanap ang daan patungo sa cafeteria. Halos hingalin ako ng makita ko ang hinahanap ko sa tapat ng malawak na entrance ng cafeteria, matangkad itong babae mga 6” siya maputi din gaya ng mga nakikita kong ordinaryong danish. Nakasalamin siya at hawak ang kaniyang maliit na sling bag, habang inaayos ang kaniyang antipara. Tumakbo agad ako at nagpunta sa harapan niya, kitang kita ko ang pagkakahawig nila ni Lars. Mula sa tangos ng ilong, mga matang kulay abo na may pagka-asul na parang laging pagod, manipis at nangungulubot na labi at may katabaan. Sigurado akong siya na nga iyon, dahil maging ang kaniyang buhok ay pinag halog ginto at puti ang kulay dahil na rin siguro sa katandaan. Ngunit kahit na ganoon ay meron siyang istrktong awra na nakakakaba, parang isang mahigpit na teacher na masungit at ‘di marunong ngumiti.
“uhm, hello ma’am.” pagkuha ko ng atensyon niya. Agad naman ito nag baba ng tingin at pinagmasdan niya muna ang kabuuan ko bago ngumiti.
“Hey! Are you the one who’s searching for me? Raj told me about you earlier.” She said and looked at her wrist watch.
“Yes Ma’am, actually I am here to ask you some--- things. But before that, we can talk about it in a coffee shop?” kinakabahang suggestion ko.
“Uhm, well it’s already past 2 pm and my husband is waiting for me at home. If you want we can talk about it on our home. If that’s fine with you?” sagot naman niya na ikinatuwa ko. Agad akong um-oo at sinabing tatawagan ko lang saglit ang kaibigan ko upang masamahan kami. Pumayag naman siya at sinabing aantayin niya na lang ako sa parking lot dahil naroon ang kotse niya. Dali-dali kong hinanap si Helen na ngayon ay busy na hinaharot si Raj, akala mo naman walang anak kong makapanglandi. Expert nga. Umingos naman ako at hinila na siya patungo sa parking lot.
“Nakuuu, kontrabida ka sa lovelife ko ha!”
“Tse! Takot ko lang na madagdagan ulit ang mga anak mo!” singhal ko saka siya binitawan. Agad naman kami nakita ni Mrs. Krejberg, kumaway ito kaya agad na kaming tumakbo papunta sa kaniya. Binuksan niya ang pinto ng kaniya kotse, sumakay sa backseat si Helen habang ako naman ay sa passenger seat. Pinilit kong mag-isip ng topic habang umaandar na ang sasakyan. Maging si Helen na madaldal ay natameme, hindi ko siya masisisi dahil kagaya ni Lars kakaiba at nakakatakot ang awra ng ina nito. Parang mangangain ng wala sa oras. Napangiwi ako sa aking naisip, nakakatakot naman kasi talaga si Lars, lalo na sa kama.
I cleared my throat first before talking.
“I will be direct to the point ma’am. To be honest I am looking for your son, Lars. I am ah--- his friend from the Philippines.” tinatamaan ako ng hiya habang nagsasalita. Nakita ko naman na napakunot siya ng noo.
“Oh! But I never knew he visited the Philippines.” naguguluhang wika nito.
“Uhm, we met online and after 6 years we haven’t contacted, and when I got a job here I---I decided t—to look for him, to f----finaly meet him in Person, ma’am.” Malakas ang kabog ng puso ko habang nakatingin sa kaniya at inantay ang sunod na sasabihin niya dahil tumatango ito.
“Ah, that makes sense! That’s why you look real familiar! I forgot your name already but I know you! You’re Lars’ ex girlfriend right?!”
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Helen habang nagcecellphone. Napatigil din ito kagaya ko at naka nganga pa.
Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot o ano, pero itinuloy ng matanda ang kaniyang kwento habang ako naman ay habol-habol ang hininga.
“I remember you now, I never imagined you’d be this small haha. Just kidding! I saw your pictures on Lars’ phone before. I ask him who are you and he said you’re his girlfriend from the Philippines. When he visit us, he always talks about you and that he made some filipino inspired food that you taught him.”
“But one day, he stopped talking about you, I didn’t bother to ask him. Because you know boys.” tuloy lang siya sa pagkwekwento hanggang sa marating namin ang bahay nila. Nahihiya akong sumagot at magkwento kahit na natural na sa akin ang pagiging madaldal, tila napipe ako sa mga naikwento niya tungkol kay Lars at nalimutan kong tanungin sa kaniya kung nasaan na nga ba ang anak niya.
Pinapasok niya kami sa kanilang bahay, napaka homey sa pakiramdam. Sa pagtatansya ko pareho lang ng lawak at laki ang bahay nila sa bahay na pinagsisilbihan ko. Hawak ko sa braso si Helen na bilib na bilib sa mga pigura at disensyo ng bahay. Ang disensyo kasi ay mala 1980’s na European house, may mga carpet, painting at ilang mga abubot. Pinaupo kami ng matanda sa may sala nila, at ipinaalam na pupuntahan niya saglit ang asawa para makasabay namin sa meryenda.
Sa sala makikita ang mga lumang larawan, may mga group photos. Nakita ko ang isang payat na batang halos puti na ang buhok, paloob ang ngiti nito, labas ang maliliit na ngipin niya. Naka suot ito ng medyo maluwag na pantalon at jacket. Kinuha ko ito at pinagmasdan maiigi, alam kong si Lars ito. Natutuwa ako sa mga picture niya dahil sa totoo lang ay hindi siya cute na bata, iyong tipo na nerd tignan at hindi pansinin. Napunta naman ako sa isa niya pang larawan, sure ako na teen ager pa siya sa larawang ito. Pogi, ang puti-puti niya parang porselana ang kutis bagay na isa sa mga hinangaan ko sa kaniya. Nakapikit siya sa larawang ito at wala pang malaking salamin sa mata, nakangiti sya na parang nasisilaw. Di ko maipagkakailang napaka pogi niya dito, muli nardaman kong tumibok ang puso ko. Habang pinagmamasdan ko ang larawan niya, alam ko para sa sarili ko na mahal na mahal ko siya. Naalala ko kung gaano ako ka desperada dati na makuha siya na maging ang pagiging sperm donor ay inaya ko siya kung sakaling ‘di kami magkatuluyan. Sinabihan niya lang ako na baliw, dahil hindi ko naman daw kailangan sabihin pa iyon dahil responsibilidad niya daw na buntisin ako.
Mapait akong napangiti bago inilapag ang larawan at sinulyapan si Helen na nakatingin lang sa akin. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa may sofà at inilabas ang kaniyang panyo. Iniabot niya iyon sa akin, nagtaka naman ako
“Luha mo teh, tumutulo na. Miss na miss mo na no? Yaan mo,. one step away na lang tayo sa the one that got away mo. Matutuldukan na rin ang mga what if’s mo. Dasal ko lang na makamove on ka na… teh unpopular opinion ah, after this sana palayain mo na ang sarili mo… Hindi mo kasalanan na naudlot ang pagmamahalan niyo dahil wala ka pang opportunity noon na magpunta dito. At ngayon na nandito kana, sana makuha mo iyong closure na matagal mo nang inaasam! Lagi lang akong nandito at sumusoporta sa mga kagagahan mo.” Sabi niya sabay haplos ng likod ko, suminga naman ako sa panyo niya at sinusubukang ibalik sa kanya iyon ngunit nandidiri siyang umiling at sinighalan ako.
“Hanep ka ha! ‘Wag mo nang ibabalik sa akin yan!!” Natatawa kong isinilid sa bag ko ang panyo. Balak kong labhan ito at i-keep na lang, alam ko naman na may dalang extrang panyo or wipes ‘yang babaeng iyan.
Dumating naman na si Mrs. Krejberg, akay-akay ang asawang kahawig na kahawig ni Lars. Mas mataba nga lang at mukha na talagang matanda. He just look at us and whispered some Danish words to his wife, His wife just make him seat to one of the sofà and told him some danish words that I know is all about why we are here, that they need to speak in English for us to understand each other. Nakakakaba pero ito na ito, inantay lang namin na ilapag nang nanay ni Lars ang mga biscuit at ilang tea. Nagpasalamat kami ni Helen sa pagkain saka lang umupo ang nanay ni Lars sa tabi nang tatay nito.
“So what do you want to know?”
She kindly ask. Huminga muna ako at saka sinabi ang tunay na pakay ko.
“Uhm, I just wanted to ask if you have some ideas on where could I find your son, ma’am, sir.” magalang kong tugon. Humigop muna siya sa kaniyang baso bago nagsalita, habang tahimik lang na nakamasid sa akin ang matandang lalaki.
“Oh, he was here last 2 weeks. He said he will find some flat on Copenhagen because he is applying for a job on that city. Maybe he went to one of his friends who works there.” napatampal naman sa noo si Helen kaya napatingin kami sa kanya. Nag peace sign lang siya at sumubo ng biscuit.
“Ahhh, so all this time,” I exclaimed, before I continue.
“I am actually working in Copenhagen Ma’am as an Aupair. And I was looking for him in Aarhus and Aalborg. Well thank you for the information ma’am. I appreciate your kindness.” I sincerely thanked her for her hospitality. I got up and signaled Helen that we need to go back to Copenhagen.
Tumingin ako sa cellphone ko at nagkunwaring tumingin sa orasan.
“Are you sure that you’re already going? You two can both stay here until tomorrow if you want.” suggestion niya pa na magalang ko naman na tinaggihan dahil paniguradong magagalit sa akin ang dalawang alaga ko pag inumaga ako ng dating.
“Maybe I can find him in Copenhagen already Ma’am. I’m sorry for the bother but I really miss your son. I just hope to see him soon before my contract will expire.” Sinserong pahayag ko, total at alam naman nilang may ugnayan kami ng anak nila.
“No it’s fine, based on Lars’ story about you, you seem a nice and kind girl. Let me get your contact no. So I will text you when Lars’ already give me his address.” ngumiti ito, kaya agad kong inabot ang calling card ko at saka nagpasalamat uli sa kanila.
Agad din naman kaming umalis at naghanap ng masasakyan patungo sa terminal. Masayang masaya ako dahil pakiramdam ko ay malapit ko ng makita si Lars…
Ang iniisip ko na lang habang nasa biyahe ay kung paano ko haharapin si Lars. Dahil hindi ko alam kung magagalit ba ako, o mamayani ang pagmamahal ko sa kanya sa oras na magkita kami.
Bago ako umidlip ay nakita ko pa na ngumangatngat si Helen ng biscuit na hiningi niya pa mula sa nanay ni Lars. Napatampal na lang ako ng aking noo, wala talaga siyang hiya literal.