Chapter 2

2388 Words
Maaga akong gumising para sa araw na ito upang makapagluto muna ng almusal ko pati na rin ang almusal ng mga amo ko. Alam ko naman na mamaya-maya ay gigising na rin ang amo kong babae para ipag-timpla ng kape ang kaniyang asawa. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas, naka sweater lang pala ako at saka isa na namang pajama. Nagsuklay at ipinusod ang buhaghag kong buhok upang hindi sagabal pag ako ay nagluluto. Balak kong ipaghanda lamang sila ng very light na almusal. Sausage, sunnyside up egg at steamed broccoli para sa dalawang cute na alaga ko, at ham, bread na nabili ko sa store na halos katabi lang ng bahay nila at saka scrambled eggs. Hindi ko alintana ang tilamsik ng mantika nang ilagay ko na ang itlog, medyo mahapdi nga pero kaya naman. Naalala ko dati noong nasa Pilipinas pa ako sa tuwing susubukan kong mag prito ng itlog ay lagi akong nakasigaw dahil sa takot na baka matalsikan, nakakatawang isipin na ngayon-ngayon ko lang din natutuhan na ‘di ka naman mamamatay sa konting talamaik ng mantika sa iyong kamay o braso. Isinabay ko na sa pagpiprito ang pagpapakulo ko ng tubig para sa steamed broccoli, nilagyan ko lang ng konting asin ang mga brocolli na pinagpipiraso ko nung nakasalang na ito. Maya-maya pa ay nakarinig na ako’ng mga foot steps galing sa taas, marahil si Mrs. Sørensen na iyon dahil sa ganitong oras paniguradong tulog pa ang mga bata. Tumingin ako sa wall clock at nakitang 7:30 pa lang, kung sa Pilipinas ay nakasanayan na ng ilang Filipino na gumising nang mas maaga pa sa alas-syete, dito naman alas nuebe kadalasan ang oras ng kanilang umagahan. Sa tingin ko hindi lang naman dito sa Denmark ang may ganung habit kundi pati na rin sa ibang bansa sa Europa. “Good Morning Ma’am! How’s your sleep?” I ask her, while smiling. Isa sa mga bagay na gustong-gusto ko sa mag-asawang Sørensen ay hindi nila ako itinuturing na iba sa kabila ng pagiging iba ko sa kanila. Lalo na si Mrs. Sørensen, para siyang nakakatandang kapatid sa akin. Laging nakangiti at minsan pa’y kahit walang okasyon ay binibigyan niya ako ng mga dress, wallet o di kaya mga pabango sa tuwing may out of town trip silang mag-asawa. Sabi ko nga kina mama nung minsan akong tumawag sa kanila, ipagpapalit ko ang propesyonal kong profession sa Pilipinas para pag-silbihan ang mga amo ko dahil sobrang bait nila sa akin. “Good! I’m just a bit tired since we come home late last night. Anyway, I told you that if it’s your day-off you should let me do the simple chores even just for a day!” she exclaimed, habang nanlalaki pa ang mga mata. Mahina lang akong tumawa at kinuha mula sa kawali ang piniprito ko ng sausage at inilagay sa malaking plato kasama ng na pritong itlog. “Ma’am, I told you it’s okay! Like I know you’re tired of working so you deserve a nice sleep this day! And you can always prepare some milk and coffee for your kids and hubby!” nanunudyo kong sambit habang inilalapag ang mga hinango at saka muling kumuha ng dalawang bowl para sa broccoli ng dalawang bata. Naiiling na lamang sya at sumunod din sa sinabi ko. “Did you eat breakfast already? Or if you want you can eat with us.” suggestion niya pa. “I already ate ma’am, when I was cooking I made my self some coffee and took some bread and egg.” I said smiling, and continued cleaning the things I used. She immediately went to me and stop me from cleaning the dishes “Hey! May-may! I told you I can do it, haha you should take your day-off today and tomorrow you’ll be the one making all this tiring works again.” “I heard from my kids that you’ll be with your friend today, so please enjoy this day okay? Anyway here’s your allowance so you can buy things you want.” she handed me some bills, at alam kong sobrang laking halaga iyon para lang igasta ko ngayong araw. “Ma’am!----” pagtutol ko ngunit, ipinilit niya pa rin sa akin na ayos lang. Kaya napipilitang kinuha ko ang mga dolyar at ngumiti sa kanya at nagpasalamat. Itatabi ko yung iba para idagdag sa ipapadala ko sa Pilipinas, habang ittreat ko naman si Helen mamaya habang nagliliwaliw kami. Matapos kong tulungan sa pag prepare si Mrs. Sørensen, ay pumanhik na ako sa aking kwarto at doon nag nagbihis. 8:51 na iyon at tumutunog na ang aking cellphone, paniguradong si Helen na iyon na laging on the go sa lakaran. “Hello? Helen? Pasensya ka na ha? Wait mo na lang ako diyan sa plaza ng Copenhagen. Maliligo pa lang ako,” paalam ko sa kanya. “Loka! Nagmamadali lang akong umalis sa bahay ng mga amo ko bago nila maisipang kung ano-ano pa iyong iutos sa’kin! Sige sige, kita na lang tayo mamaya,” sagot naman niya na tila naiinis pa ang tono, baka sinumpong na naman ang amo nitong matanda kaya maasim ang timpla niya ngayong umaga. Napailing na lang ako, kumuha ng tuwalya at nagtungo sa aking bathroom. May sarili akong bathroom at palikuran dito sa kwarto ko, bagamat hindi kalakihan ay ayos na rin, dahil malinis at maayos naman ang mga pasilidad sa kwartong ito. Nagmadali na akong maligo at kumuha ng pantalon, t-shirt, jacket at syempre mga damit panloob. Hindi na ako nag-abalang tuyuin ang buhok ko dahil mag bobonet na lang ako, ayos lang naman dito at fashionable tignan ang ganoong ayos kumpara sa mga maririnig mong patutya sa Pilipinas kesyo mukha ka daw bruha etc. Etc Pagkatapos kong mag paalam sa mga bata at sa aking mga amo ay nagtungo ako sa likod bahay kung saan naroon ang binigay ni Mr. Sørensen na bike sa’kin. Kumpara sa ibang bike dito, iyong akin ay may mababang upuan kasi nga pandak ako, at may basket din ito sa harapan. Kulay Black ang bisekleta kaya okay na okay sa akin dahil itim ang paboritong kulay ko. Dali-dali ko ng binuksan ang gate at isinara nang tuluyan na akong makalabas. Nagpedal na ako hanggang sa marating ko na ang parking para sa mga bisekleta, isa sa mga bike Capital of the world ang bansang ito, hindi gaanong uso ang motor dahil madalas ay madulas ang daanan dahil sa maya’t- mayang pag-ulan. May dala naman akong payong sa aking bag pack kung sakaling umulan. Pinagpag ko ang aking kayumangging boots na binili ko pa sa ukay noong nasa Pilipinas ako, kasi maayos pa sya at mukhang bago. Ang istilo pa ay angkod sa mga malalamig na lugar gaya ng Denmark. Ngayon ay sinusubukan kong tawagan si Helen upang tanungin kung saan na nga ba siyang banda, ang sabi naman niya ay nasa may bench tabi ng tindahan ng mga panghimagas. Kaya nagtungo ako doon upang ayain na siyang sumakay ng Train patungo sa Aalborg, muli akong magpupunta doon para mag-abang abang. Susubukan kong magpunta ngayon sa ospital kung saan nurse ang nanay ni Lars. “Naku mare, antagal-tagal na nating hinahanap yang Lars na yan ha! Uso mag-move on teh! Tignan mo ako, may dalawang anak nang pinapalamun sa Pilipinas.” biro ni Helen, na ikinangisi ko naman. “Dalawa nga, magkaiba naman ng tatay. Sana all nalang sayo Helen.” pabalik kong biro na ikinatawa niya ng malakas, sapat na para magtinginan ang mga tao na kasama naming nag-aantay sa terminal. “Naku teh! Atleast mag kaibang lahi! Problema ko na lang pagpapakain at pagpapa-aral ko sa dalawang yon. Si Mariah iyong panganay ko, habang lumalaki napapansin kong mas malaki ang hawig sa tatay niyang Israeli, mag-eenroll na rin pala ngayon, Grade 4 na. ‘Yung bunso ko naman na si Aya, i-enroll pa lang ni nanay bilang saling-pusa sa Kinder kasi bubulol-bulol pa, mukhang sa akin pa ata nag mana ‘yung batang iyon kahit na Italyano ang tatay.” Pagkwekwento niya pa. Natatawa na lang ako sa mga kapulpulan niya sa buhay. Mag-isang anak kasi si Helen at mas matanda siya sakin ng apat na taon, binibiro ko pa nga siya na baka madagdagan uli ang anak niya pagkatapos ng kontrata namin dito. Sabi naman niya na depende daw sa init ng laman niya. Ang gaga talaga. Inihilig ko na lang ang ulo ko sa kanya at maya-maya dumating na rin ang train. Sumakay na kami at sa mag katapat na upuan naupo. Sinuot ko ang earphones ko, habang naidlip si Helen. Mga dalawa hanggang tatlong oras ang byahe patungo sa Aalborg kung kaya’y naisipan ko muna din na maidlip habang nagpapatugtog. Mabilis na dumaan ang mga minuto at oras, nagising na lamang ako sa tapik ni Helen sa akin. “teh ghurl, malapit na tayo.” bulong niya. Nag-inat lang ako ng konti at tinanggal ang earphones sa aking tainga at isinilid sa bag na dala ko. Tumango lang ako sa kaniya at hinanda ang sarili, nag salamin na rin at dinoble ang lipstick sa aking bibig. Nang komportable na ako sa aking postura ay hinanda na namin ni Helen ang sarili namin upang bumaba sa susunod na terminal. Hindi naman gaanong marami ang mga tao kung kaya agad kaming nakapagpabook at makakuha ng Uber para dalhin kami sa address ng ospital na sinabi ko, buti na lang talaga at matatas sa wikang tagalog ang mga Danish kung hindi ay hirap ako sa pakikipag komunikasyon sa kanila dahil na rin sa isa ang Danisk sa mga linguahe sa buong mundo na mahirap pag-aralan. Iba din ang kanilang alpabeto at iba ang pagbasa sa mismong pagbaybay ng kanilang wika. Ngunit sinisikap ko na maka pag-ipon kahit papaano upang maka-enroll ng isang course dito kung saan mag-aaral ako ng kanilang linguahe. “We are here now, Miss.” Wika ng driver, inabot ko naman sa kanya ang bayad sa serbisyo niya sa amin bago bumaba, nauna nang bumaba sa mini van si Helen at agad na nag selfie-selfie. Ngingisi- ngisi pa siya sa harap ng kaniyang bagong cellphone at kung minsan pa’y nag papacute. Matapos niyang mag picture ay inaya niya din ako kaya agad akong tumalima. “Ghurl! Alam mo feeling ko this is the day na talaga! Jusko ha, sana naman pogi ‘yung hinahanap natin dito at inabot na tayo ng limang buwan sa paghahanap diyan sa prince charming mo!” “Siraulo, nang huli ko siyang makausap medyo chubby pa siya. Wala namang kaso sa akin kung mataba, payat o kesyo macho siya! At saka teh! Alam mo ba na malaki ang kargada niya.” Pagsakay ko sa biro niya, napapalakpak naman siya na parang tanga bago nagsalita na matatawa-tawa pa. “Perfect!!! Kaya pala di maka move on ang gaga!” humalakhak ulit siya at saka niya ako inakbayan bago kami nag lakad patungo sa entrance ng ospital. Kasama ang ospital na ito sa mga pasilidad sa Aalborg University. Kagaya ng Unibersidad na napuntahan namin ni Helen sa Aarhus, malawak ito at may modernong disenyo na alam kong kahit saang lugar sa Asya ay dito mo lang makikita. Naalala ko na isa sa mga palapag nito dati ang kinuhanan ng litrato ni Lars, nag reresearch siya noon at nais niya akong ipasyal virtually. Naalala ko na balak niya din akong pag-aralin dito dahil ayon sa kaniya matalino daw ako, at tiyak na makakapasa sa paaralang ito. Punong-puno ako ng pag-asa noon, ang daya lang kasi sinukuan niya ang relationship namin dahil lang sa hindi daw niya kaya na malayo kami sa isa’t isa. Siguro kung pumayag ako noon na sumama sa kaniya sa Denmark, hindi magiging ganito ang kapalaran naming dalawa. Kung siguro ibinaba ko ang pride ko at nag take ng risk na bisitahin siya dito noong sinabi niya na siya ang magbabayad ng mga kakailanganin ko para mapuntahan siya dito, siguro naipaglaban pa namin ang relation namin sa lahat ng doubt, sa lahat ng overthinking, at higit sa lahat baka nakinig pa siya sa akin ng makailang beses ko ipilit ang sarili ko sa kaniya dahil mahal na mahal ko siya. Naramdaman ko naman ang pagsiko ni Helen sa akin at sinabing tama na daw pag-eemote namin at mag simula na kaming hanapin ang nanay ni Lars. Nag-umpisa kaming magtanong sa ilang hospital staffs, sinusubukan kong i-describe sa kanila ang itsura ng nanay ni Lars nang minsan ipakita ni Lars ang larawan ng kaniyang ina at ama. “Hmmm, so what’s the name of the lady you’re searching?” sabi ng isang mukhang indiano, mukha naman siyang mabait ang sabi niya ay medyo matagal na rin siyang nagtatrabaho dito kaya baka kilala niya ang nurse na hinahanap namin. “Uhm I don’t really remember, but I think her surname is Krejberg? Or if she’s using her middle name, it’s Kjær?” napansin kong napapaisip ito sa sinabi ko, bago magliwanag ang kaniyang mukha, nabuhayan naman ako ng pag-asa at kita ko naman sa itsura ni Helen na ganoon din siya. “Ohhh So I’m sure it’s Nurse Lauren! Wait I will search for her inside and you’ll wait for me here, or just give me you phone number so I can contact you and tell you what time she will be going to finish her rounds,” he exclaimed. Agad ko namang inabot sa kaniya ang aking numero ngunit naunahan na ako ni Helen. “Here’s mine instead. I’m single, and available! Don’t forget to give me a call darling!” malanding wika niya pa sabay kindat. Napapa kamot na lang ng ulo ang lalaki at tumango sabay sabing mag-antay lang kami ng tawag niya baka daw kasi malapit ng matapos ang schedule nang nurse na hinahanap namin. Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat, tumalikod na siya at bumalik sa loob. Inaya ko naman muna na bumili ng makakain sa store na katabi ng Unibersidad si Helen, agad naman itong sumama. Masayang masaya ako na sa wakas , ito na ang sagot sa matagal ko ng paghahanap. Ngayon lang kasi ako nag kalakas ng loob na hanapin ang nanay ni Lars, at kahit nahihiya ako ngayon, wala na rin akong choice. Nag hanap kami ng malilim na bench at doon kumain habang nagkwekwentuhan ni Helen habang inaantay ang tawag ng Indianong nakausap namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD