Chapter 1

1990 Words
“May, we have a dinner meeting with some of our investor later, we might be late. So I will trust you with the kids okay?” Masuyong bilin ni Mrs. Sørensen sa akin. Kitang kita ko sa kanyang asul na mga mata ang kapaguran marahil na rin sa sobra nitong pagtatrabaho umaga man o gabi. Kimi lamang na ngumiti sa akin ang kaniyang asawa na nag-aantay na sa gilid ng pintuan, ngumiti lang ako pabalik bago ko sinagot si Mrs. Sørensen at saka sinamahan sila palabas ng kanilang tahanan upang ipagbuksan ang kanilang sasakyan ng gate. Kumaway pa ako sa kanila habang dahan-dahang mawala sa aking paningin ang kanilang sasakyan. Sinara ko na ang gate at muling naglakad patungo sa bahay habang yakap- yakap ang sarili, Malamig na naman ang simoy ng hangin dito sa Denmark kaya nakasuot ako ng cardigan at pajama. Sinilip ko mula sa kanilang sala ang dalawang chikiting na anak ng mga amo ko. Pareho silang may salamin sa mata kahit mga bata pa, ngunit kahit na ganoon ang cute-cute pa rin nila sa paningin ko. Lumapit ako sa kanila at kumuha ng suklay upang suklayan ang panganay na si Karen, Si Karen ay may malagintong buhok at may freckles sa kaniyang mukha na nagpadagdag sa kaniyang gandang mala diwata. 6 years old na si Karen, samantalang 3 years old naman na si Andrew ang kanilang bunso. Tahimik lamang ang aming hapon, nang magtanong si Karen kung ano na naman ang baon kong kwento para sa kanilang magkapatid. “Ate May-may, what do you miss about your country?” kinurot ko ang kaniyang pisngi at inayos ang kanilang pag kaka-upo bago nag-umpisang mag kwento. Hilig ng magkakapatid na ito ang alamin ang mga bagay bagay mula sa pinanggalingan kong bansa. Sinanay ko din pala silang tawagin nila akong “Ate” dahil hindi ako sanay na tawagin nila ako sa pangalan ko bilang ako ay nakakatanda sa kanila. Ayos lang naman sa kanila at sa kanilang magulang iyon, ani pa nila, mas mabuti daw na hangga’t maaga ay masanay ko ang kanilang mga anak bilang maging magalang sa lahat ng kanilang nakaka salamuha. “You know baby Karen, and baby Andrew, in the Philippines, we are excited when September comes! Because it means Christmas is near.” Kitang-kita ko naman sa kanilang mga mata ang pangungunot ng kanilang mga noo. “But Christmas is December! And it’s like…” nagbilang pa ito sa kaniyang mga maliliit at mapupulang daliri bago ipagpatuloy ang sasabihin. “4 months away!!!!” I smiled at them as I continue my story, telling them more about the Christmas in the Philippines as well as the food and candies. Makikita naman sa kanilang mga mata ang pagkasabik na makisalamuha sa mga batang Filipino, lalo ng ikwento ko ang mga masasayang ala-ala ko nu’ng bata pa ako kasama ng mga pinsan at mga kababata ko. Habang nag kwekwentuhan ay dinala ko sila sa kusina para masamahan nila ako sa paggawa ng yema bilang kanilang snack at panghimagas na rin dahil mahilig din ang mag-asawa sa mga candy lalo na pag homemade. Pina-upo ko muna sa high chair si Karen habang binuhat ko naman si Andrew upang makaupo sa table katabi lang din ng kaniyang ate. Hinanda ko na ang mga sangkap gaya ng egg yolks, condensed at konting harina. Matapos kong mahalo lahat at mapalamig, sinubukan ko ng kumuha at hinulma sa aking palad. “So, when I was a kid like you Karen and my sister is just like Andrew we used to put some small table infront of our small house, and we sell this kind of candy! Sometimes my mama cooks hot cakes and we sell it together with the yema!” dagdag ko pang kwento habang binibilog ang pinalamig na yema. Hindi naman na nakatiis si Andrew at kumuha ito sa plato ng kapiranggot na yema gamit ang kaniyang kamay. “Be careful baby! Some parts are still hot!” I warned him, he just nodded his head and said… “Ate May-may, I like this!! Maybe you can make us some and we try to sell it to the other danish kids and our friends!” suggestion ng bata, na agad ding ikinapalakpak ni Karen, at nag susumamong tumingin sa akin. “Hmmm! It’s creamy and sweet! I love it!!” pang-uuto pa ni Andrew, napabuntong hininga na lang ako. “Naku, lagot tayo sa nanay at tatay niyo niyan!” mahinang bulong ko habang, nagpipigil na kamutin ang ulo ko sa banas at kaba. “What? C’mon Ate May-may! I will ask mum if we can sell some of these candies tomorrow! I think they will be happy because we are trying to make money of our own.” Masuyong wika ni Karen, habang nakatingin sa’kin at sinusubukang gayahin ang pag bilog ko ng yema. “Hmmm okay, but you need to be responsible enough okay? We will only sell yema when there’s no school days or school works.” sumusukong pahayag ko, habang nakatitig sa dalawang batang tuwang tuwa sa pagpayag ko. Habang pinagmamasdan ko silang dalawa ay naalala ko na minsan pinangarap ko rin na magkaroon ng gaya nila. Isang supling merong mala dagat na kulay na mga mata, mapuputi na may mamula-mulang kutis sa tuwing naarawan, at buhok na tila ginto. Sa isang lalaki ko lang naman pinangarap na magkaroon ng anak, isang lalaki na nakilala ko lang dati sa isang online dating app, masyado niya akong pina-ibig ng mga panahon na iyon kaya mula ngayon ay hirap ako na kalimutan ‘yung mga “Sana” namin. “So, what do you want for dinner today?” I excitedly ask them while I’m cleaning the dishes and while they’re eating the yema. “Any Filipino dish will do, Ate May-may! You know I love Filipino foods! Except the bulat?---errr the one’s with baby fetus duck?” Natawa naman ako sa sinabi ni Andrew, habang tumatango-tango pa ang kaniyang ate. “Silly boy! Haha okay no balut—it’s not bulat!” Tawang-tawa naman ako sa kanyang mga sinasabi, napatigil na lamang ako ng biglang magtanong ang kaniyang ate “Ate May-may, What are you gonna do tomorrow? You will go out with your friends again?” nakasimangot ito habang nakatingin diretso sa aking mga mata. Naalala kong day-off ko pala bukas, gagala na naman ako dito sa Denmark kung saan ako dalhin ng aking mga paa, sa makalipas na 5 months na pananatili ko dito lagi na lang akong ganito kada day-off ko. Umaasa ako na makikita ko siya sa mga lugar na dati niyang pinupuntahan upang magtrabaho o upahan. Gustong-gusto ko na siyang makita, hindi ko alam kung ganu’n din sya sa akin pero alam ko sa sarili ko na siguro para tuluyan na akong maka move on sa kaniya, kailangan makita ko siya sa personal. Ayos lang kong kahit simpleng sulyap at kahit na hindi ko siya maka-usap. Makita ko lang na ayos siya dito, masaya at kontento na ako. “Most probably baby, After I send some allowance for my family.” I told her. “But—but—we will miss you!” “And it’s your family day tomorrow! We can play the day after tomorrow Karen and I promise I will cook your favorite sinigang after, I will buy some ingredients tomorrow.” panunuyo ko sa kanila, kahit napipilitan ay tumango na lamang sila. Alas 9 na ng gabi ngunit di pa rin nakababa ang araw dito, tapos ko na din ipinagluto ng nilagang patatas at porkchop ang mga bata, ngayon ay dinala ko na sila sa kani-kanilang kwarto pagkatapos paliguan at bihisan para makapagpahinga na sila. Ipinaalam ko na din sa kanilang magulang na patulog na ang kanilang mga anak. Samantalang umupo naman ako sa sala habang inaantay ang pagdating ng mag-asawa. Binuksan ko muna ang cellphone ko at nag reply sa ilang mga mensahe sa’kin mula sa mga kaibigan ko sa Pilipinas at pamilya. Nag iwan din ako ng mensahe para kay Hellen, isa sa mga kasama kong OFW dito na kasa-kasama ko sa paglilibot, aniya hindi naman issue iyon sa kanya dahil natural na sa kanya ang pagiging usisera. Pagkatapos kong mag iwan ng mensahe ay binuksan ko ang aking gallery at nagtungo sa pinaka tago-tagong folder kung saan nakalagay ang mga naiwang screenshot na mga mensahe ni Lars sa akin. Si Lars Krejberg, Isang Danish national na nakilala ko anim na taon na ang nakakaraan, Nagkaroon kami ng relasyon kahit sa online lang. masyadong malalim ang samahan namin na kahit ngayon hindi ko siya makalimutan, heto nga at hinahanap ko siya dito. Ang huling balita ko ay bumalik na siyang Aalborg, hinanap ko siya sa mga hospital at mga unibersidad doon ngunit wala akong nakuhang kasagutan, sapagkat hindi daw pwede na ipagsabi ang mga information ng kani-kanilang mga empleyado. Kita ko naman na wala silang tiwala sa amin ni Helen noon kasi alam nilang Filipino kami. Madalas pa rin kaming makakilala ng mga racist na foreigner, iyong iba eh napagkakamalan pa kaming call girl o kaya naman criminal. Kaya laking pasasalamat ko sa mga amo ko na labis nila akong pinagkakatiwalaan kahit sa kanilang mga anak at kung papaano pamahalaan ang panganagalaga ng kanilang mga tahanan. Mula sa pagbbrowse, nakita ko uli ang mensahe mula sa kanya noong mga panahong siguradong sigurado siya na dadalhin niya ako sa Denmark upang pakasalan. …Fr. Lars Krejberg I want you as a partner because you are sweet and caring, because you can challenge me and my opinions, because you are absolutely unique and irreplaceable <3 ………………. … Fr. Lars Krejberg So you better prepare yourself for a Danish wedding, there is a tradition that when the guests hits their glasses with their knives or plates, then the couple must stand up in their chair and kiss until the guests stop doing so. Sabi ng kaibigan ko dati, kailangan ko pakawalan yung sarili ko sa nakaraan namin ni Lars. Para sa akin, napaka unfair iyon sa sarili ko, iyong mga ala-ala at mga pangarap na nga lang namin dati yung pinanghahawakan ko pakakawalan ko pa? Pinakawalan ko na nga si Lars noong sinabi niya na hindi talaga mag-wowork out iyong relasyon namin, ilang beses ko naman nagmakaawa sa kanya pero sarado na talaga ang utak niya, kaya hiniling ko na lang sa kanya na iblock ako para hindi ko na siya magugulo sa mga madrama kong mensahe. Hindi kasi ako handa na maging magkaibigan lang kami, andami kong pangarap para sa amin. Naputol ang aking pag-iisip nang marinig ko ang busina ng sasakyan ng aking mga amo, kauuwi lang nila. Nagmamadali akong nagpunta sa labas para buksan ang gate, at matapos kong asikasuhin ang mag-asawa, pina-una na nila ako sa aking kwarto para magpahinga. Agad naman akong tumalima dahil pagod na rin naman ako, agad akong nag-ayos dahil tapos na rin ako maligo saka nahiga sa kama upang maagang matulog upang may sapat na lakas ako para bukas. Wala akong ibang hiling kundi ang makita na sana siya, siya lang naman ang inspirasyon ko kung bakit kahit mahirap ay nagpatuloy ako sa pagtatapos ng kurso ko. Inaamin ko, ilang beses ng sumagi sa isip ko noon na kailangan ko ng tumigil sa pag-aaral para sundan na siya dito at mag bakasakaling tanggapin niya ulit ako. Pero napanghihinaan ako ng loob, lalo’t alam ko na kung isa siya sa mga taong kilala ko na may isang salita. Pinilit ko naman na kumilala ng iba, nakipagrelasyon sa ibang lalaki na nakilala ko lang din online. Pero wala eh, siya lagi ung hinahanap ko. Palagi na lang akong napapaisip at pinagkukumpara ang lalaking kausap ko sa lalaking minahal ko ng todo, na kahit mga kaibigan ko ay nababanas na sa’kin. Sana, Sana makita na kita Lars. Makita lang kita na masaya, okay na ako. Tatanggapin ko na ang aking pagkatalo na anim na taon ko ng di matanggap-tanggap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD