Pagkatapos naming kumain at kunting inuman nagkayayaan silang lahat na pumunta sa dance floor. Tumanggi ako dahil sabi ko nga hindi ako sanay sa ganyang sosyalan. Pero nagpupumilit si Jesson at hinila ako sa gitna ng dance floor. Kahit sa probinsya nga hindi ko naranasan ang makipagsayawan sa brgy. kapag may kapyestahan. Biglang napalitan ang rock music ng sweet music. At hinawakan ni Jesson ang dalawang kamay ko para ipatong sa balikat niya. Pagkatapos ay sa aking baywang naman niya inilagay ang kanyang dalawang kamay. Pesti naaasiwa ako sa kanyang ginawa. Bakit kapag si Shokoy ang humawak sa'kin kinikilig ako. Pero kapag si Jesson ang humawak parang kinikilabutan ako. (Ayaw kasi ng puso mo sa kanya kaya walang spark...anas ng kabilang isip ko.) “Less, are you okay?”tinulak ko ang dibdi

