Sinundo ako ni Sir Jesson Samonte. Nakakahiya naman sir sinundo mo pa ako eh birthday mo pa naman. Makikiinom at makikikain lang naman kami. Ito nga po pala ang gift ko para sa inyo pagpasyensyahan niyo na po. “Drop the po Less, we're not in the school to act very formal in front of me. Nag-abala kapa hindi naman kailangan ng gift dahil matanda na ako. At inimbitahan kita kaya dapat lang na sunduin kita.” Salamat! Nasaan na nga pala ang ibang mga kasamahan mong teacher's? “Nauna na sila sa venue magkikita-kita nalang tayo doon. Malapit lang naman eh, sa JA Elite Bar and restaurant lang naman idadaos ang kaarawan ko kasama kayo. Wala kasi ang parents ko dito sa Pilipinas kaya boring kung sa bahay ako mag-celebrate ng aking kaarawan. Less, may itatanong lang sana ako sa'yo at sana huwag

