MISKIE’S POV Nagmadali akong umakyat papunta sa room ni Synesthea, malakas kong binuksan ang pintuan dahilan ng pagtingin nila sa akin. Nandoon na si Hillary, Hunter at Calyx. Agad tumulo ang luha ko ng makitang may cast sa braso si Synesthea, malakas na umiiyak akong yumakap sa kanya. “What happen to you, you crazy woman?” Malakas kong tanong habang ang luha ay panay ang tulo, dahill na rin siguro sa sobrang kalasingan ko ay sobra akong nagiging emotional. Inalis naman ni Synesthea ang mahigpit kong pagkakahawak sa kanya at agad pinunasan ang luha ko. “I’m okay, stop crying.” Ako na mismo ang nag punas ng luha ko at umayos na ng tayo. “Ano bang nangyari sayo? Sino iyong bumangga sayo? Dapat nasa kulungan na siya ngayon.” Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Napalingon ako kay C

