CHAPTER 1
MISKIE'S POV
Nag aayos ako ngayon dahil may party kaming pupuntahan ngayon ni Hillary-girl, gusto sana namin kasama si Synesthea-girl pero alam naman namin na hindi siya papayagan ni Vincent at sasabihin nito na kailangan ay nasa tamang edad si Synesthea-girl para mag punta sa mga ganon na lugar. Kaya madalas ay kami lang dalawa ni Hillary-girl ang nag paparty sa bar, kahit na birthday ng kaibigan namin na si John ang may ari ng bar na pupuntahan namin ay ayaw pa rin ni Vincent na isama si Synesthea.
"Miskie anak naandito na si Hillary." Agad na akong tumayo at kinuha ang purse ko.
Agad na akong bumaba at nakita na inaasikaso ni Manang si Hillary. Napatingin naman si Hillary sa akin ng makita ako.
"H'wag kayong mag paumaga, anak." Ngumiti naman ako kay Manang at lumapit doon.
"Opo." Tumayo na si Hillary-girl para makaalis na kaming dalawa.
"Bye po, Manang." Tumango naman si Manang sa sinabi ni Hillary. Kumuway naman ako bilang paalam kay Manang.
"Ingat mga anak." Nakangiti naman akong sumakay sa kotse ko at si Hillary ay sumakay sa motor niya.
Mula bata pa lamang ako ay si Manang na ang nag alaga sa akin, palaging wala sina Mom and Dad at umuuwi lang sa tuwing may okasyon o kung may trabaho silang aasikasuhin dito. Mas madalas ko silang nakikitang wala kesa sa naandito sila, siguro dahil simula bata pa lamang ako ay lagi silang wala sa tabi ko ay nasanay na rin ako at hindi na sila hinanap pa. Si Manang na ang tumayong Mom ko, kahit isang beses ay wala akong alaala na inalaagan nila ako. Sa tuwing umuuwi rin sila ay palagi silang pagod at pag gising ko sa umaga ay makikita ko silang nag aayos na para muling umalis.
Wala akong sama ng loob sa mga magulang ko kahit na ganoon, hindi rin ako nang hingi ng atensiyon nila kahit saglit at mas piniling intindihan dahil palaging pinapaalala ni Manang na mahal nila ako kaya nilang ginagawa iyon para manatili ang maganda kong buhay. Kahit hindi ko ramdam ang pag mamahal na sinabi ni Manang ay pinanghawakan ko na lang ang sinabi ni Manang sa akin. Hindi ako galit sa kanila, hindi rin ako nag tatampo o ano man. Wala lang akong nararamdaman para sa kanila.
Lumabas ako ng kotse ko ng makarating na sa bar na pag mamay ari ni John, sabay kaming pumasok doon ni Hillary at tulad ng inaasahan ay sobrang ingay at marami ang tao na naandon. Maraming tao ang naandoon at halos kakilala namin kaya patigil tigil kami para bumati sa mga taong naandoon. Natigil na lamang kami ng sinalubong kaming dalawa ni John ng malaking yakap, agad naman kaming natawa.
"Where's Synesthea?" Tanong nito at palingon lingon pa sa likod para hanapin si Synesthea.
"What's new, John? You know Vincent." Namewang naman si John dahil sa sinabi ko.
"It's my birthday, I really hate Vincent even though he's hot." Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. Nakalimutan kong sabihin na si John ay isa sa mga gay friends namin.
"You don't have a sister so you don't understand Vincent."
Kapag talaga si Vincent ang usapan ay doon lamang sasabat si Hillary, nag kibit balikat na lamang si John dahil alam naman niyang gusto ni Hillary si Vincent at sa paningin nito ay lahat ng ginagawa ni Vincent ay tama.
"Nevermind, let's sit here and enjoy the party." Tumango naman kami at sumunod sa kanya sa isang malaking table, agad kong binati ang mga nandoon na kakilala ko.
"Vincent is so protective." Nakangising sabi ng katabi ko ng makita nitong wala si Synesthea, tumawa na lamang ako at naupo na. Dahil si John ang may ari ng bar ay lahat libre, kaya nga hindi ko pinapalampas ang birthday ni John dahil palagi kaming nakakalibre.
Masaya kaming nag iinuman doon at dahil table namin ang pinakamalaki ay sa amin ang pinakamalakas ang ingay. Napatigil naman ako ng makarinig ng mga tiliin mula sa mga babae, napakunot naman ang noo ko sa pagtataka kung bakit parang nakakita sila ng artista kung makatili ang mga babae.
"Well, well, he's here." Agad tumayo si John para salubungin ang pinapalibutan ng mga babae. Curious man ako kung sino iyon ay napailing na lamang ako at muling nakipag kwentuhan doon.
Napakunot ang noo ko ng may tumabi sa akin at mas lalong nag tiliin ang mga tao, napatitig naman ako sa tumabi sa akin at kahit nakatalikod pa siya sa akin dahil kinakausap niya ang tao doon ay alam ko na agad na gwapo ito. Napansin niya ata ang paninitig ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin at agad na ngumiti, napatigil naman ako at hindi ko alam pero agad tumibok ang puso ko sa hindi ko malaman na dahilan.
"Hi." Nakangiti nitong sabi sa akin, ngayon naiintindihan ko na kung bakit nag titiliin ng ganon ang mga babaeng nandoon kanina. Kung ganitong kagwapo naman ay baka kahit lumabas na litid ko ay makikiirit din ako. Agad akong napailing at namula dahil sa naiisip ko.
Mag sasalita na sana ako para mag hi rin at para makipag kilala ng tumayo ito, nag tataka ko naman siyang pinanood at nakita kong may inakybayan siyang babae. May girlfriend na pala siya, napakagat ako ng labi ko dahil ayaw ko man aminin ay type ko siya.
Hindi na siya bumalik sa table namin kaya bumalik na lamang ako sa pag iinom at pakikipag kwentuhan sa kanila. Gusto ko man mag tanong kung sino ang lalaki na iyon pero parang hindi tama iyon lalo na at may girlfriend na siya.
Masaya akong sumasali sa mga palaro nina John at ramdam ko ang pag ikot ng mundo ko dahil sa kalasingan ko. Napatingin ako kay Hillary na kahit namumula na ay alam kong hindi pa rin ito lasing.
"Let's go home." Napatingin naman ako sa oras at 3 na ng madaling araw kaya tumango na ako.
"Mag papaalam muna ako sa kanila, hintayin mo ako sa labas." Tumango naman ako at kahit hilo ay hindi naman ako ganoon kalasing at nasa tamang pag iisip pa rin para makauwi at makapag drive.