CHAPTER 2

1021 Words
MISKIE'S POV Bago ako makalabas ay may muling nakakuha ng atensiyon ko at iyong lalaki na naman na tumabi sa akin. Napakunot ang noo ko ng makita siyang nakahawak sa legs ng babae habang may binubulong sa kanya ang babae. Nag tataka ako dahil sigurado akong hindi siya iyong babae na inakbayan niya kanina, nang bahagya akong lumapit doon ay doon ko lang napansin na nakaakbay din siya sa isa pang babae.  Napailing na lamang ako at agad na lumabas para hintayin si Hillary. Akala ko pa naman may girlfriend na siya, babaero pala ang lalaking iyon. Napailing na lang ako ulit at sinubukan na alisin ang mukha ng lalaki sa isip ko lalo na at may iba akong nararamdaman. "Mag isa kaba, miss?" Napakunot ako at agad nakaramdam ng takot ng pinalibutan ako ng dalawang lalaki. Amoy na amoy ko sa hininga nila ang alak lalo na dahil sa sobrang lapit nila sa akin. Agad ko silang tinabig para makaalis doon. "I'm with my friends, excuse me." Narinig ko ang creepy nilang tawa at nandidiri ako ng maramdaman ang hawak ng isa sa braso ko para pigilan ako sa pag alis, sisigaw na sana ako para makahingi ng tulong dahil sa sobrang takot pero bago pa ako makasigaw ay agad na silang napahiga sa may sahig dahil madilim sa parte na iyon at medyo nahihilo pa ako ay hindi ko maaninag ang mukha nito.  Nagpatianod lang ako sa kanya ng hilahin niya ako palayo doon at ng makita ko ang likod nito ay doon ko lang nakilala kung sino ito. Napahawak ako sa puso ko dahil malakas pa rin ang t***k noon pero alam kong hindi na dahil sa takot. Napatingin naman siya sa akin at wala ako sa sarili kong nakatitig lamang sa kanya. "Hey, are you okay?" Napatitig ako sa namumula niyang labi habang nag sasalita siya at agad napalunok. "You're shocked, I'm sure. Wait here I will call John." Aalis na sana siya para pigilan pero napatigil ako at parang natauhan ng marinig ang malakas na tawag sa akin ni Miskie. "I thought something happen to you." Ngumiti naman ako kay Hillary para hindi na siya mag alala, lumingon ako sa lalaki para sana mag pasalamat sa pag liligtas niya sa akin pero kapag lingon ko ay wala na siya sa likod ko. Taka naman akong tinignan ni Hillary dahil sa ginawa ko. "What are you doing?" Nang nabigo ako at hindi siya muling nahanap ay napailing na lamang ako, nag tataka parin ang tingin sa akin ni Hillary pero hindi na lamang nag salita at sumakay na lang sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa sobrang lutang ko. Nakahiga ako sa kama ko at ito ang pinaka unang beses na may taong ayaw mawala sa isip ko, kahit na gaano ko pa gusto siyang alisin sa sistema ay kusa siyang pumapasok. Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon sa kanya at kahit hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin siya, napahawak naman ako sa dibdib ko. Pati ang puso ko ay hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang t***k ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Kahit may hang over ako kinaumagahan ay hindi iyon naging dahilan para tumigil ako sa pag punta sa bar ni John. Pumasok ako doon at agad kong pinalibot ang mata ko at baka sakali na naandito siya. Gusto kong mag pasalamat sa kanya at tanungin ang pangalan niya para makipag kilala sa kanya.  Ngunit hating gabi na at ilang araw na akong walang palya sa pag punta pero kahit isang beses ay hindi ko siya nakita doon. Bigo na naman akong umuwi, akala ko ay madalas siya doon sa bar ni John dahil sa sobra niyang kakilala doon pero mali ako siguro talagang marami lang siyang kakilala dahil hindi lang iyong bar ni John ang pinupuntahan niya. Sa ilang linggo kong pag punta doon hanggang gabi ay sumuko rin ako ng kahit isang beses ay hindi man lamang siya sumupot, kahit ang pangalan nito ay hindi ko alam at nahihiya rin akong mag tanong at baka mag tanong kung bakit ko tinatanong at makarating pa iyon sa kanya.  Kahit hindi ko siya muling nakita ay nararamdaman ko sa sarili ko ang pag lago ng curiosity ko para sa lalaking iyon at mas gusto ko pa siyang makita at makilala pero hindi ko naman alam kung saan ko siya hahanapin. "Why don't you just ask for his name?" Napanguso naman ako dahil sa suhestiyon ni Synsthea, ilang araw na akong nag rarant sa kanilang dalawa kung gaano ko gustong makita ang lalaki na iyon. "I can't, paano kung makarating iyon sa kanya?" Napairap naman si Synesthea dahil sa sinabi ko, si Synesthea lang ang maasahan ko sa ganito dahil wala namang pakielam si Hillary at tanging kay Vincent lang ito mangingielam. "So what?" Napakagat naman ako ng labi. "Baka isipin niya na may gusto ako sa kanya."  "But you like him." Agad napaguso lalo dahil sa sinabi niya. "I don't, okay? I'm just curious." Napailing naman si Synesthea at nag cellphone na lang, nang hindi na ako pumunta sa bar nina John ay dito naman ako kina Synesthea tumambay para mag rant sa lalaking iyon na hindi ko na naman muling nakita. Gusto ko na rin mag tanong na lamang ng pangalan niya at sigurado naman akong maraming nakakakilala sa kanila pero nahihiya ako na  baka malaman nila na may gusto ako sa kanya, I'm not an idiot para hindi malaman ang sariili konng nararamdaman. "Whatever, Miskie. Do whatever you want." Napabuntong hininga na lamang ako at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang mukha niya. Gustong gusto ko na siyang muling makita kahit sa malayo lang pero hindi ko naman alam kung saan ko siya mahahanap. "I think I really like him." Mahina kong bulong sa sarili ko. "I told you." Namula agad ako ng marinig ni Synesthea ang sinabi ko, napansin niya iyon kaya agad niya akong nginisian.  "It's obvious, Miskie?" Napabangon naman ako mula sa pagkakahiga at napahawak sa pisngi kong namumula. "Really?" Tumango tango naman si Synesthea bilang sagot.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD