CHAPTER 3

1296 Words
Mag tatagal pa sana kami sa Mall pero dahil may bisita si Vincent at gusto iyon makilala ay uuwi na si Synesthea at dahil din nag seselos si Hillary sa pag aakala na girlfriend ni Vincent ang bisita ni Vincent na gustong makilala ni Synesthea ay sasama kami sa bahay ni Synesthea. Gawain talaga namin na mag window shopping, kapag gabi naman ay madalas nasa bar kami ni Hillary pero kahit minsan ay hindi pinayagan ni Vincent na sumama sa amin si Synesthea. Hindi rin naman naangal si Synesthea dahil ayaw daw niya sa sobrang maiingay na lugar. Nang makapasok kami sa bahay ni Synesthea ay agad na akong prenteng naupo sa malambot nilang sofa, ganoon din naman si Hillary na hanggang ngayon ay namumula parin. Pigil ang ngiti ko siyang tinignan at kahit anong pigil ko ay alam kong napansin niya iyon kaya sinamaan niya ako ng tingin. Agad akong tumawa at inakbayan siya. "Don't worry, I'm sure mga kaibigan na lalaki lang ni Vincent ang pupunta. Wala rin namang girlfriend si Vincent kung mayroon man ay paniguradong malalaman iyon ni Synesthea at sasabihin iyon sayo ni Synesthea." Agad niyang inalis ang pag kakaakbay ko sa kanya, napa nguso naman ako dahil sa ginawa niya. "I don't care about that, okay? Stop annoying me, Miskie." Nag kibit balikat na lamang ako at kumuha ng cookies na inilapag ni Manang kanina. "Si Vincent!" Malakas kong sigaw sabay turo sa may pintuan. "Where?" Hindi ko na napigilan ang malakas kong tawa dahil sa ginawa niya, sinamaan niya naman ako lalo ng tingin ng makitang wala naman doon si Vincent. "Calm down, I'm just joking. Let's go, mag paluto tayo kay Manang gutom na ako." Kahit masama ang tingin niya sa akin ay sumunod din naman siya sa akin papunta sa may kusina. Muli na naman akong nag pigil ng tawa kaya mas sinamaan niya ako ng tingin. "Gosh, you're so annoying." Irita nitong sabi at mas nauna na sa pag lalakad papunta sa may kusina, agad naman akong sumunod pero agad napatigil ng makarinig ng ingay mula sa labas. Hindi ko alam pero pamilyar sa akin ang boses na iyon na nag papatibok ng puso ko. "Oh please can you stop singing, Hunter?" May narinig akong tawa at sigurado akong malapit na sila na lalong nag palakas ng t***k ng puso ko. "How can I move on when I'm still in love with you?~" Agad napakunot ang noo ko dahil sa sobrang panget ng boses na iyon. Natigilan din si Hillary dahil sa narinig niya. "Goat?" Bahagya akong napatawa dahil sa sinabi niya. "f*****g shut up! I really hate you, please Lord give me some pretty lady to relieve my stress from this crazy bastard." Napatulala ako ng makita ko siyang kauna unahang pumasok at sobrang bilis agad ng t***k ng puso ko at bago pa makaalis si Hillary ay nahawakan ko na agad ang kanyang damit para pigilan siya, taka naman niya akong tinignan. "What is it?" Hindi naman kami napansin ng mga bisita ni Vincent at agad dumiretso sa may sofa. Hindi ko alam.  "Kuya, nakita mo ba ang cellphone ko? Kanina ko pa kasi hinahanap?" Agad akong napalingon kay Synesthea na pababa na habang nag susuklay ng buhok.  "Oh my! Oh my! Oh my gosh Synesthea-girl" Impit kong tili sabay hampas sa braso niya. Hindi ko inaasahan na sobrang liit ng mundo namin para muling mag kita, akala ko ay malabo ko na siya ulit makita pero sa tingin ko ay sumasang ayon sa akin ang tadhana. "Are you crazy? Tabi nga diyan at hinahanap ko ang cellphone ko." Bahagya niya akong tinabig at diretsong pumunta sa may sala. Namumula akong sumunod sa kanya at agad namula ng makitang napatingin sila sa amin. Naalala niya pa ba ako? "Jezzz Synesthea-girl si Calyx Chase Demir yung asawa ko shittt." mahina kong bulong sa kanya. Sa sobra kong pag hahanap sa kanya na kung ano ano na ang shinearch ko sa may social media account ay sa wakas ay nalaman ko rin ang pangalan niya pero ang hirap niya hanapin at paiba iba siya ng bar na pinupuntahan at kung saan saan siyang lugar laging pumupunta. "Yung pinapangarap momg maging asawa?" Mas lalo akong namula dahil bahagya niya pang nilakasan ang pag kakasabi niya non. Tumawa pa si Hillary at nakipag apir kay Synesthea, mahina ko naman siyang kinurot. Nag lakad na naman si Synesthea para kuhanin ang cellphone niya, si Hillary naman ay syempre tumabi kay Vincent. Malaki pa ang space doon pero mas pinili kong makisingit sa tabi ni Calyx para lang muli siyang makatabi. Napatingin naman siya sa akin at nginitian ako na agad nag papula ng pisngi ko. Bahagya akong lumayo sa sobrang takot na sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko ay marinig niya iyon. "Bro, wala ka bang balak na ipakilala ang nag gagandahang dilag sa amin?" Tanong ni Calyx, tumawa naman ang isa niyang katabi. "Oo nga, Vincent. Atsaka magaling ba silang kumanta? Kasing galing ko ba?" Agad siyang binatukan ni Calyx, tumawa lang naman iyong lalaki. "Disaster ang boses mo Hunt. Maawa ka sa panahon." So, siya pala ang kumakanta kanina na hindi ko alam kung kumakanta ba talaga siya o ano sa sobrang panget. "Itong katabi ko si Hillary Averyl Samonte, then yung katabi mo Calyx si Miskie Venice Farell at ito naman ang kapatid kong si Synesthea." Nag taka ako ng tumayo si Calyx at lumapit kay Synesthea, agad naman siyang tinaasan ng kilay ni Synesthea. Napayuko naman ako dahil ano pa ba ang inaasahan ko? Lahat naman ay si Synesthea ang unang napapansin. "Sabi ko na nga ba." aniya ni Vincent at napabuntong hininga. "Hi." Tinignan lang naman siya ni Synesthea at nag earphone, as expected kahit gaano siya ka hot ay wala iyong talab kay Synesthea. "What do you need?" Pag tataray ni Synesthea. "Uhm Calyx Chase Demir," napakamot naman siya sa ulo at alanganin na tinignan si Synesthea, tinanguhan lang naman siya ni Synesthea at walang pakielam. "At ito namang pangit kong katabi ay si Hunter Hayes Ferrer," kumuway pa iyong Hunter kay Synesthea pero tulad ng inaasahan ay hindi iyon pinansin ni Synesthea. " At ito namang masungit ay si Voughn Royer."  Napansin ko ang bahagyang pag ngiti ni Synesthea at napatingin doon kay Voughn na hindi man lang siya nilingon. Dahil sa nagugutom na si Synesthea ay nag luto na si Vincent at nag kwentuhan kami, hindi ko alam kung natatandaan niya ako o hindi. Ang buo kong atensiyon ay nasa kanya lang at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. "Miskie, right? Gusto mo isabay na kita same subdivision lang naman tayo." Agad akong namula dahil natandaan niya pa ang sinabi ko kanina at hindi ko man lang napansin na mag kaparehas kami ng subdivision edi sana nag pagala gala ako sa labas. Agad akong nag paalam sa kanila at agad na sumakay sa kotse ni Calyx at pag pasok ko pa lang ay ang bango ng kotse niya. "Hoy Calyx! Sa subdivision niyo ang tuloy wag sa motel." Nag salute naman si Calyx at sumakay na at agad na pinaandar iyon. Hindi ko mapigilan ang lingunin siya habang nag dadrive siya, sobrang perfect ng mukha niya. "I'm handsome, I know." Agad akong namula ng kininditan niya ako at agad siyang napahalakhak. "You don't remember me?" Napatingin naman siya saglit sa akin at muling binalik ang tingin sa kalsada. "How can I forget such a beatiful lady? I called John but when I comeback you're gone." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, napatingin siya sa akin at nginitian ako. "Sorry." Nahihiya kong sabi sa kanya. "It's okay." Hindi na ako nag salita at tumingin na lang sa labas at baka sumabog na ako sa sobrang kilig.         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD