MISKIE'S POV
Nang magising pa lang ako ay agad na akong nag ayos at halos ipaligo ko na ang pabango ko sa sarili ko para lang kahit malayuan ay maamoy niya ako. Hindi ko naman hilig talaga ang mag pabango pero dahil sobrang bango ni Calyx ay nahihiya akong dumikit sa kanya.
Nang bumaba ako ay takang napatingin sa akin si Manang dahil alam niyang wala naman aming hang out nina Synesthea-girl at kapag wala kaming hangouts ay anong oras na akong bumababa.
"Ang aga mo, anak." Ngumiti naman ako kay Manang at agad na umupo sa upuan para mag almusal.
"Gustong gusto ko po mag lakad lakad sa labas ngayon." Tinignan ako ni Manang na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. White lie naman iyon dahil mag lalakad lakad naman talaga ako malapit sa bahay nina Calyx.
Kagabi kapag hatid niya pa lang sa akin ay agad na akong nag imbestiga kung saan ang bahay niya dito, sumali pa ako sa mga group niya na ginawa ng mga solid fans niya. Lahat ng iyon ay sinalihan ko para lang marami akong makuhang impormasyon tungkol kay Calyx.
Madalas maraming picture si Calyx sa iba't ibang bar kasama ang iba't ibang babae. Ang pinaka kinaiinis ko pang picture ay iyong siya lang ang nag iisang lalaki sa isang malaking table sa bar habang ang mga babae ay pinag kukumpulan siya at siyempre sino ba naman ang matinong lalaki ang hindi matutuwa, sa picture ay ngiting ngiti pa siya.
"Anak?'' Nawala ako sa pag iisip ng kinalabit na ako ni Manang.
"Yes po?"
"Iyong pagkain ay lalamig na, h'wag mo rin laruin ang pagkain. Masama iyan, alam mong swerte ka na at nakakakain ka na ng tatlong beses sa isang araw. Alam mo ba noong kabataan ko ay ang kinain lang namin ay tuyo at masaya na kami doon." Napanguso na naman ako dahil iyan na naman si Manang sa mga nakaraan niya.
"Sorry po." Agad na akong kumain at baka biglang umalis si Calyx doon at mag hintay na naman ako sa wala. Hindi ko napansin na sa sobrang inis ko habang inaalala ang mga nakikita ko ay pinag didiskitahan ko na ang pagkain ko kanina.
Nang matapos na ako ay muli akong humarap sa salamin para tignan ulit ang itsura ko. Nang mapansin ni Manang ang ginawa ko ay napailing na lamang siya at nag patuloy sa pag huhugas ng plato.
"Aalis na po ako, Manang." Pag papaalam ko.
"Ingat, anak." Kumuway na lamang ako at agad na nag jogging papunta sa bahay nina Calyx. Sa tapat talaga nila ako tumigil para magpahinga, pasimple kong sinisilip ang bahay nila. Tumalon talon pa ako para makita ko dahil mayroon silang mga nag tataasang halaman kaya ang ibang parte ay hindi ko makita. Gusto ko rin makita ang magiging mother in law ko kung sakali.
Agad akong napatigil sa pagtalon at napahawak sa mag kabila kong pisngi sa naisip ko. Alam ko namang imposible ang iniisip ko pero wala namang masama ang mangarap na malay mo pinagtagpo talaga kami ng tadhana kasi isa ako sa mga mag papabago kay Calyx, tulad ng mga nababasa ko na playboy ang lalaki at kapag nakilala niya ang babaeng mag papatino sa kanya at siyempre ako iyon.
Syempre kailangan ng struggle sa isnag story para mas lalong tumibay ang relasyon ng dalawa kaya babalik ang first love ni Calyx na dahilan kung bakit siya naging playboy pero siyempre dahil sinaktan niya si Calyx at dumating na ako sa buhay ni Calyx, ang totoo niyang mahal ay wala na siyang nararamdaman para sa first love niya kung hindi galit at kahit anong pag mamakaawa ng first love niya at pag sisisi ay hindi na babalik sa kanya si Calyx dahil ako na ang mahal ni Calyx hanggang sa mag pakasal na kami at magkaroon ng maraming anak.
"Miskie? Is that you?" Gulat akong napatingin sa tumawag sa pangalan ko at agad akong namula dahil sa kanina ko pa siya iniisip at ngayon ay nasa harapan ko na si Calyx.
"Y-yes?" Napakagat ako ng labi ng nautal pa ako. Napatawa naman siya at ginulo pa ang buhok niya kaya agad akong napanganga dahil sa sobrang pagka mangha sa gwapo niyang mukha. Noong nag paulan ata ang Diyos ng kagwapuhan ay sinalo niyang lahat.
"What are you doing here?" Agad kong tinikom ang bibig ko at umayos ng tayo.
"Jogging. That's right, I'm jogging. I'm here to rest, I don't know that you lived here. I swear, I didn't join CALYX THE GREAT FANCLUB to know where you live." Bahagya siyang natigilan dahil sa sinabi ko ng marealize ko kung ano ang sinabi ko ay agad akong napatalikod at agad sinampal sampal ang bibig ko. Baka isipin niya na weird ako at hindi na ako kausapin at. Iniimagine ko na ang magiging mukha niya habang sinasabi na ang weird ko.
"Calyx the great fanclub, is there really a group page like that?" Napatingin ako sa kanya ng tumawa pa ito.
"Y-yes, with 300k people." Napatango tango naman siya sa akin.
"That's nice. You can continue your jogging or do you want to come with me?" Agad nag liwanag ang mukha ko at ngayon ko lang napansin na nasa harap ko ang sasakyan niya at nasa daliri niya ang susi, masyado kasi akong naka focus sa mukha niya kaya hindi ko napansin ang paligid ko parang kaming dalawa lang ang nakikita ko.
"'Where are we going?" Nag lakad na ako palapit sa sasasakyan niya, ngumiti naman siya at pinagbuksan ako ng pinto na agad ikinapula ng mukha ko. Halos hindi ako huminga ng siya pa ang nag kabit ng seatbelt ko. Nang makaupo na siya sa may driver's seat ay nginitian niya ako.
"I'm going to buy something in convenience store." Napatango tango naman ako at hindi ko na alam ang dapat pang sabihin pero gusto ko pa siya makausap.
"Uhm-"
"But you know Miskie, you don't have to join that stupid group page." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya lalo na dahil seryoso ang mukha niya pero ng lumingon siya sa akin ay agad siyang ngumiti.
"S-sorry." Nakayuko kong sabi. Napahakhak naman siya at parang kamatis na ang pisngi ko sa sobrang pula ng hinawakan niya ang buhok ko.
"Why are you apologizing? What I mean is you can always ask me instead of joining group page about me because they don't know me. They only believe what they saw without knowing the truth, I really hate people like them." Napayuko naman ako lalo dahil sa sinabi niya.
"Oh we're here, you can wait here." Agad akong lumabas kahit wala naman akong balak na bilhin, ngumiti lang naman siya sa akin at sabay kaming pumasok. Siyempre halos kahit saan naman mag punta si Calyx ay lagi siyang pinag titinginan tulad ngayon, kapag pasok pa lang namin ay halos sa kanya na agad ang tingin ng lahat ng tao at alam ko ang mga ganyang tingin dahil ganyan din ang tingin ko sa kanya.
Hindi ko napansin na naka cross arm na ako at nakakunot ang noo habang nakatingin sa mga babaeng nakatingin kay Calyx na bumibili ng condom extra large, at talagang namumula pa sila as if namang mapapansin sila ni Calyx. Ako nga hindi man lang mapansin, sila pa kaya. Wait, condom?
Agad nanlaki ang mata ko habang nakatingin kay Calyx na halos ubusin na ang extra large condom habang ang cashier ay nag papacute pa sa kanya e mukha naman siyang kuyukot. Hinili ko ng bahagya ang damit ni Calyx kaya napatingin siya sa akin.
"Yes? You want to buy something?" Nakangiti nitong sa akin, hindi ko alam kung sinasadya niya bang ngumiti kasi alam niyang nakakaakit ang ngiti niya o ganon lang talaga siya. Agad naman akong umiling sa kanya.
"Why are you buying so many condoms?" Mahina kong bulong sa kanya. Napatingin naman siya sa binabalot na ng cashier na pinamili niya.
"So many condoms? But I still need to buy more for later." Napaawang ang labi ko at ako ang nahiya sa kanya dahil sigurado akong narinig iyon ng mga tao.
"Calyx!" Bahagya ko siyang hinampas at agad na nag lakad sa labas, taka naman siyang sumunod sa akin.
"Oh, I think you're tired already. Ihahatid na kita sa bahay niyo, ako na lang ang bibili ng comdom mamaya." Hindi naman ako nag salita at agad ng sumakay ng kotse niya.
"Are you going to have s*x for 10 days?" Napatawa naman siya dahil sa tanong ko, napayuko ako sa sobrang pagkapula ng pisngi ko sa hiya. Kung bibili pa siya mamaya ay baka higit pa sa 10 days silang mag sesex kung sino man iyon.
"W-why are you laughing?" Namumula kong tanong.
Napailing naman siya sa akin at lumapit, agad nanalaki ang mata ko at halos hindi na naman huminga. Unti unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko kaya naman napapikit na lamang ako at hintayin na angkinin niya ang first kiss ko.
"It's done." Napadilat ako at napatingin sa bewang ko at naka seat belt na ako, mas lalo akong namula sa pagkapahiya dahil akala ko ay hahalikan niya ako.
"I'm a healthy man, Miskie. I will use all of this later." Napatingin ako sa kanya. Ngumisi naman siya sa akin at pinaandar na ang kotse. Ang ibig niya bang sabihin ay lahat ng iyon ay gagamitin niya para lang mamaya. Namula agad ang mukha ko at feeling ko ay ang dumi na ng utak ko dahil naiimagine ko ang katawan ni Calyx.
"D-do you have a girlfriend?" Nahihiya kong tanong. Napatingin siya sa akin saglit bago bumalik ang tingin sa kalsada.
"I don't do girlfriend." Napatitig naman ako sa kanya.
"Why?"
Hindi naman siya sumagot kaya hindi na lang din ako nag tanong at baka mainis pa siya sa akin at isipin na nangingielam ako. So, I think tama ako at may dahilan kung bakit siya playboy at hindi siguro siya nag gigirlfriend dahil niloko siya ng first love niya or something kaya naman wala na siyang tiwala sa mga babae at pakiramdam niya ay pare parehas lang sila at sasaktan lang siya.
"But I'm not like others girl. I won't hurt you so forget about your first love." Parehas kaming natigilan dahil sa sinabi ko, nang marealize ko na sinabi ko iyon ng malakas ay agad nanlaki ang mata ko at napasampal sa bibig ko, agad naman niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako sa ginagawa ko.
"You're funny, I don't have first love. What you're thinking right now, it only happen in stories. I don't need a girl who will change me." Inalis niya ang tingin sa akin at sumandal.
"What I need is..." Napatitig ako sa kanya ng tumigil siya sa pag sasalita.
"By the way, can I get your number?" Agad napaawang ang labi ko sa gulat sa biglaan niyang tanong.
"S-sure." Ngumiti naman siya at binigay ang cellphone niya, nanginginig naman ako na tinanggap iyon at inilagay ang number ko.
"Call you later." Napaawang na lang ang labi kong pinanood siyang pinag buksan ako ng pinto, hindi ko man lang napansin na nasa tapat na kami ng bahay ko.
"Thank you." Namumula kong sabi nang inalalayan niya pa akong lumabas, ngumiti lang naman siya at sumakay na sa kotse niya. Pinanood ko namang mawala ang sasakyan niya.
Namumula akong pumasok at agad na nagulat ng makita ko si Synesthea na kumakain ng ice cream habang nakatingin sa labas. Dahan dahan naman itong napatingin sa akin at agad na ngumisi.
"Synesthea-girl, kinuha niya ang number ko!" Agad kong sigaw at tumakbo papalapit sa kanya.
"He likes you." Agad namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya, napatawa naman siya ng makita ang pamumula ng pisngi ko. Umayos siya ng upo at sinandal ang ulo sa sofa.
"You think so?" Namumula kong tanong. Napatingin naman siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.
"Of couse, I mean he likes every girl he met." Agad naman akong napanguso na agad niyang ikinatawa.
"I hate you, Synesthea." Ngumisi lang naman si Synesthea at nahiga sa may hita ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong totoo ang sinabi ni Synesthea, nakita ko mismo iyon. Pare parehas lang ang turing niya sa ibang babae.