CHAPTER 5

2130 Words
MISKIE'S POV Buong gabi akong nag hintay ng tawag ni Calyx hanggang sa makatulog na ako at kahit text ay wala man lang akong natanggap. Gulo gulo ang buhok akong bumaba at pakiramdam ko ay sobrang lalim na ng eyebags ko. Napabuntong hininga ako habang pabaa na ng hagdan, malamang ay nakalimutan ni Calyx na tawagan ako sa sobrang saya niya kagabi kasama ang mga babae niya. Hindi niya man ako naisipan na kahit itext. Gusto ko sana siya itext kaso baka mag taka siya kung paano ko nalaman ang number niya, e hindi niya naman ibinigay sa akin kahapon. Baka malaman niya pa kung ano ano ang ginawa ko para lang makuha ang number niya sa mga baliw niyang fan girls na I think ay isa na ako doon. Kinamot ko ang tiyan ko at napatingin sa sala ng mapansin na may tao doon. Nang makita ko ang nakakasilaw niyang ngiti ay agad kong kinusot ang mata ko at baka sa sobrang kakaisip ko sa kanya ay nakikita ko na siya sa kung saan saan.  "Miskie, nako naman hija. Bakit nalabas ka ng ganyan ang suot, alam mo naman ire ika'y may bisita." Agad kong sinalag ang hampas sa akin ni Manang at nang marealize na si Calyx nga ang nasa harapan ko ay agad kong inayos ang buhok ko at nanlaki ang matang tinignan siyang nakangiting nakatitig sa akin. "C-calyx? What are you doing here?" Nauutal kong tanong. "Synesthea called me, she told me you have plans with her. She wants me to give you a ride." Nakangiti parin siya sa akin kahit na pulang pula na ako sa kahihiya at hindi ko alam kung mag papasalamat ba ako kay Synesthea o maiinis dahil hindi niya man lang sinabi sa akin na papauntahan niya pala dito si Calyx, edi sana hindi ako bumaba ng ganito ang itsura.  "Aba kumilos kana, Miskie. Kanina pa siya dito nag hihintay sayong gumising." Nataranta naman akong napatakbo sa taas. Agad kong tinignan ang itsura ko sa salamin at nang makita ko ay napasabunot na lang ako sa buhok ko, paniguradong turn off siya sa akin at mas lalong hindi niya ako magugustuhan. I really hate you, Synesthea. Nag madali na akong kumilos at kahit na nahihiya pa akong bumaba dahil sa naging itsura ko kanina ay ayoko namang pag hintayin pa si Calyx, Nang makababa na ako ay agad siyang napalingon sa akin at siyempre hindi nawawala ang ngiti niya. "Let's go?" Nakangiti nitong tanong sa akin. Namumula pa akong tumango sa kanya.  "Bye, Manang." Kumuway lang naman siya sa amin at nag patuloy sa kanyang ginagawa. Piangbuksan niya naman ako ng pintuan at agad na umikot para makasakay sa driver's seat. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin dahil nahihiya rin ako pero gusto ko siyang kausap. "Did I keep you waiting? I'm really sorry." Napatingin naman siya sa akin bago pinaandar ang kotse niya. "It's okay, I enjoy talking to Manang. She told me a lot of things." Napatitig naman ako sa kanya at nakangiti naman siyang nag mamaneho.  "What are you going to do with Synesthes's house?" Napatigil naman siya bahagya at napatitig sa akin. Napakagat naman ako sa labi ko dahil sa naging reaction niya. "Well to be honest, I just want to hang out. I'm bored so I just want to be close with Vincent's sister." Napatango tango naman ako at agad umiwas ng tingin. "Do you like her?" mahina kong tanong sa kanya. Bahagya naman siyang napahalakhak na nagpamula lalo ng pisngi ko. "Of course." Agad akong napalingon sa kanya sa naging sagot niya. Sa ilang segundo na iyon ay pakiramdam ko ay hindi ako nakahinga. Mapait na lamang ako napangiti at muling tumingin sa dinadaanan namin. "Yeah, who wouldn't like her?" Just like Vincent, Synesthea is almost perfect kung hindi lang sa ugali niya dahil masyado siyang naspoiled ng parents niya.  Sa sobrang wala ko sa sarili ay hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng mansion nina Synesthea. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at agad naman akong lumabas. "Thank you." Ngumiti naman siya sa akin. Nauna na akong maglakad papasok para kausapin si Synesthea ng mag salita si Calyx na ikinalingon ko. "I mean I like pretty girls," Napatulala ako sa sinabi niya at pinanood siyang unahan akong maglakad papasok. "I like you too, Miskie. I like pretty girls. Do you know that my dream is to live with pretty girls?" Malakas siyang humalakhak habang naglalakad papasok. "So noisy." Napatingin ako kay Synesthea na pababa na ng hagdanan habang nakatingin sa aming dalawa. "Synesthea-girl!" Agad ko siyang sinalubong samantalang si Calyx ay dumiretso sa sala nina Synesthea kung nasaan si Vincent. Sinalubong naman ako ng ngisi ni Synesthea at alam kong alam niya kung bakit ko siya sinalubong. Alam naman niyang kapag hindi ako nag rereply ay tulog ako, alam niya rin na madalas akong tinatanghali ng gising. "So energetic, Miskie." Nakangisi nitong sabi at nilagpasan ako para dumiretso sa kanilang kusina, agad ko naman siyang sinundan. "Why didn't you tell me? You know what, he saw me looking like a mess. I'm such an idiot. He won't like me anymore and I'm sure he's turn on right now because of how I look. I really hate you Synesthea, you know that when I'm not replying I didn't saw your message. It's a good chance but I really-" Agad na niyang pinutol ang sasabihin ko. "It's better to show your ugly side to him so if one day he likes you back, he already saw your ugly side so that means he really like you." Napaupo naman ako dahil sa sinabi ni Synesthea at nakapalumbaba siyang pinanood na uminom ng tubig. "I understand what you're trying to say but what he saw is my ugly face. He likes pretty face." Nagkibit balikat naman si Synesthea at nilagpasan lang ako. "Not my problem anymore." Napatitig ako sa likod niya habang naglalakad siya. Simula bata pa lamang ako ay may inggit na akong nararamdaman para kay Synesthea dahil lahat ng nasa paligid ko ay siya ang nakikita. Noong una ay may inis akong nararamdaman para sa kanya dahil sa inggit na nararamdaman ko, madalas ko ring hinihiling na sana ako na lang siya, na sana katulad niya rin ako. Nawala lang lahat iyon ng makilala ko ng lubos si Synesthea, nandito parin sa akin ang inggit pero ang inis ay natakpan agad ng pagkamangha sa kanya. Ang kagandahan ni Synesthea na pinakaunang napapansin sa kanya, ang talented na si Synesthea na halos lahat ay kayang gawin at kahit maraming nagsasabi na masama ang ugali ni Synesthea dahil sa paraan ng pananalita nito ay hindi bumaba si Synesthea sa level ng mga taong nagsasalita ng masama sa kanya. Totoong may ugali si Synesthea at siguro typical iyon sa mga spoiled brat na katulad niya pero kahit na ganoon ay hindi ka naman papansinin ni Synesthea kung wala kang gagawin sa kanya na ayaw niya.  Sa ilang taon namin ni Synesthea na magkasama at nagkagusto ako pero lagi akong nabigo dahil sa tuwing nakikita nila si Synesthea ay mapupunta na naman sa kanya sa spot light pero kahit na ganon ay hindi ko magawa na magalit sa kanya o kahit na mainis sa kanya. "Besides all my friend are pretty, whoever call them ugly, I will never forguve them." Napaangat ako ng ulo at gulat na napatingin kay Synesthea na hindi ko napansin na tumigil na pala para lingunin ako. Napangiti naman ako sa sinabi niya at tumatawang inakbayan siya. Nginisian naman niya ako at sabay kaming naglakad papunta kina Vincent at Calyx na nasa sala nila. Kahit gaano akong naiiwan sa dilim dahil sa spot light ni Synesthea ay hindi niya hinahayaan na manatili lang ako sa dilim at iiwan niya ako ng espasyo para parehas kaming nasa spotlight. "Hey, pretty girls." Agad namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Calyx. "I told you." Nakangisi na sabi sa akin ni Synesthea bago naupo sa tabi ni Vincent at agad siyang kinulit. Naupo naman ako sa bakanteng sofa at hindi na tumabi pa kay Calyx at baka makahalata lang siya dahil sa sobrang daming espasyo ay bakit doon pa ako sa tabi niya uupo. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip ko noong sumiksik ako noong una ko ulit siyang makita, siguro ay sa sobrang surprise ko ay nawala na ako sa katinuan at napasiksik na lamang sa tabi niya sa sobrang pagkaexcite rin na nararamdaman ko. "Hey Miskie, did you know that I'm going to transfer to your school?" Gulat akong napatingin sa kanya hindi dahil sa sinabi niya dahil sa biglaan niyang paglapit sa akin at ang biglaan ding paglalapit ng balat namin. Para tuloy makakawala na ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko at bago pa iyon mangyari ay napatayo na ako ng makarinig ng doorbell. "I will open the door." Hindi ko na sila hinayaan na makapagsalita pa kahit narinig kong nagsalita si Synesthea. Agad akong nagtago at napahawak sa dibdib ko para pakalmahin ito, nang maalala ko naman ang sinabi ko ay napasabunot ako sa buhok ko.  Alam ko namang maid nila ang nag aasikaso sa mga bisita na papasok at alam kong alam din iyon ni Synesthea kaya malamang ng sinabi ko iyon ay nagulat din siya pero anong magagawa ko? Sobrang takot ako na mapansin niya ang nararamdaman ko para sa kanya. "Hmm?" Napatingin ako sa lalaking napatingin din sa akin habang sinasabunutan ko ang sarili ko. Agad kong binitawan ang buhok ko at inayos ayos ang buhok ko, napatikhim naman ako ng mapansin na nanatili ang tingin niya sa akin habang nakakunot ang noo. Natatandaan ko ang lalaki na ito na kasama nina Calyx pero hindi ko lang maalala ang pangalan, ngayon ko lang napansin na nakalimutan ko ang pangalan nila maliban sa pangalan ni Calyx.  "Crazy." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nito at arogante niya akong tinalikuran. "Hey-" Hinabol ko siya pero hindi man lamang niya ako nilingon at dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa may sala kung nasaan sina Calyx. Napatayo naman si Synesthea ng makita si Voughn bago napatingin sa akin. "What happen to your hair?" Napatingin naman ako sa mga muwebles nilang ginto na halos nakikita ko na ang repleksiyon ko at nakatayo ang iba kong buhok dahil sa pagkakasabunot ko. Namula halos buo kong mukha sa kahihiyan dahil sigurado akong nakita iyon ni Calyx, gusto kong kainin na lang ako ng lupa ngayon din mismo. Mas lalo pa akong namula at gusto ko na lang maging bulala ng malakas na tumawa si Calyx, agad naman siyang sinipa ni Synesthea. "You're so cute." Natatawa nitong sabi na agad namang ikinapula ng buong mukha ko. "Why did you kicked me? It hurts, stop it." Sinasalag ni Calyx ang sipa ni Synesthea habang si Voughn naman ay napailing na lamang at naupo sa malayong sofa. "How dare you laugh at her?" Natawa lalo si Calyx at dahil doon ay parang nag slow mo ang lahat sa paligid ko at si Calyx lang ang nakikita ko at ang tangi kong naririnig ay ang parang musika sa tenga ko na boses niya. "I'm not laughing because she's funny, okay maybe a little but the real reason is because she's cute." Mas lalo pang namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Tumingin naman sa akin si Synesthea at kitang kita niya ang pamumula ng mukha ko na naging dahilan ng pagkangisi niya. "Whatever, come here Miskie just sit down." Namumula akong muling tinignan ang repleksyon bago naglakad papalapit at talaga namang hulog ng langit si Synesthea at pinapaupo niya ako sa tabi ni Calyx.  Kapag upo ko pa lang ay agad akong inakbayan ni Calyx at parang may nagkarerahan sa puso ko sa sobrang bilis. Ang bango bango niya, sobra. "Look at this." Napatingin ako sa cellphone niya at namula ng may picture ako sa kanya noong kanina, ang bilis ng kamay niya paano niya napicturan 'yun kaagad? Agad siyang humalakhak at bago ko pa makuha iyon sa kamay niya ay agad na niyang inilayo papalyo sa akin. Sa sobrang determinado kong makuha iyon ay pinilit ko paring abutan hanggang sa nawalan ako ng balanse. Agad napalingon sa amin sina Synesthea ng mapahiga ako kay Calyx na mukhang nagulat din sa nangyari pero agad ding ngumisi, agad akong namula ng maramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko at pagdiin ng katawan niya sa katawan ko. "The f**k? Get a room." Pilit akong tumayo dahil sa sinabi ni Voughn. Hinayaan naman ako ni Calyx at humalakhak lang. "Let's continue later, baby." Napatakip ako sa tenga ko matapos niyang ibulong iyon sa akin at tumayo na para pumuntang kusina. Continue what? And did he just call me baby?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD