MISKIE'S POV
Lumipas ang mga araw at nag umpisa na rin ang klase, madalas na naming nakakasama ang mga kaibigan ni Kuya Vincent at siyempre tuwang tuwa ako dahil lagi kong nakikita si Calyx. Sabado ngayon at siyempre pupunta kami sa bar ng kaibigan namin, hindi kasama si Synesthea-girl dahil hindi siya pinapayagan ni Kuya Vincent hanggang hindi pa siya nag 18. Wala rin namang pakielam si Synesthea-girl as long as hindi rin kasama si Voughn.
“Ang tagal mo.” Bungad sa akin ni Hillary-girl na naghihintay na sa harapan ng pintuan ng kwarto ko. Agad ko namang isinabit ang braso ko sa kanya at sabay kaming bumaba.
“Siyempre Hillary-girl andoon si Calyx kaya kailangan kong mag paganda ng bonggang bongga.” Napailing na lang si Hillary at ibinigay na ang susi sa akin.
Kapag talaga nag babar kami ay iisang sasakyan lang ang dala namin para isang sakayan na lang. Kapag papunta ay ako ang nag dadrive at pauwi ay si Hillary dahil lagi na akong bagsak kapag pauwi na at si Hillary ang may mas pinaka mataas ang alcohol tolerance sa amin. Sumakay na ako sa driver's seat at umupo na rin naman si Hillary-girl sa passenger seat.
“Andoon na ba daw si Calyx ko?” Tanong ko habang iniistart ang kotse ko. Tumingin ako kay Hillary ng hindi ito sumagot. Napatingin din siya sa akin at agad na tumango. Para namang ang laking bawas sa kanya kapag nag salita siya ng oo. Napailing na lang ako at agad ng tinahak ang bar.
Kapag dating naman ay agad kaming binati ng mga nakatambay sa labas na kakilala namin.
"Bakit ngayon lang kayo?" Lumapit ang isang kakilala namin, agad akong tinuro ni Hillary na dahilan ng paghaba ng nguso ko. Tumawa naman si Jane at may itinuro sa amin. Kahit muna sa malayo ay kitang kita ko ang matipunong likod ni Calyx ko at ang kamay ng babaeng nakapulupot sa kanya na parang ahas.
"Thanks. Talk to you later." Hinila na ako ni Hillary sa tinuro ni Jane na pwesto kung saan naandon sina Calyx.
"They don't know about the things we do
They don't know about the "I love you's"
But I bet you if they only knew (they don't know)
They would just be jealous of us
They don't know about the up all night
They don't know I've waited all my life
Just to find a love that feels this right
Baby, they don't know about, they don't know about us." Sabay kaming napatigil ng may nangibabaw na boses at sino pa ba? Malamang sa malamang ay si Hunter at nakikigulo na naman sa may banda na nagpeperform doon. "Embarassing." Napailing na lang si Hillary-girl at naupo na sa bakanteng upuan, napanguso naman ako at tumabi sa pinsan ni Calyx kahit na gusto kong andoon ako sa tabi ni Calyx e kahit na kakaonting space ay wala na at pinagkakaguluhan na naman siya ng mga babae. Mas nakakainis pa ay tuwang tuwa si Calyx. Ang dalawang babae ay nakakandong sa kanya habang sinusubuan siya ng kung ano ano at meron pang tatlong nasa likod niya at meron pa sa likod ng mga iyon, meron pa na hindi na nahiya basta makatabi lang si Calyx ay nakaupo sa sahig habang hinihimas himas ang hita ni Calyx.
"Jealous?" Inabutan ako ni Cally ng wine, siya ang nag iisang babaeng pinsan ni Calyx.
"Tignan mo naman Cally-girl, wala na akong pweto sa tabi ni Calyx." Nakanguso kong sabi at turo doon, pinigilan naman ni Cally ang daliri ko at tumawa. Hinawakan niya ang kamay ko, hindi ko na rin naman binawi at hinayaan siya na hawakan ang kamay ko.
"Don't worry, Darling. You know Calyx." Halos kalahati na ng kaibigan namin ay alam na may gusto ako kay Calyx, hindi ko sinabi sa kanila pero nahalata nila agad. Hindi ko alam kung bakit hindi mahalata halata ni Calyx na may gusto ako sa kanya o talagang wala lang siyang pakielam.
"I know but I can't help it." Muli itong tumawa at inakbayan ako, mas humaba ang nguso ko na agad niyang pinansin kaya pinisil niya ang nguso ko.
"Cally!" Malakas siyang tumawa na nakakuha ng atenisyon sa iba.
Si Cally kasi ay isang lesbian pero sobrang daming nagkakagusto sa kanya na lalaki at halos lahat ata ng nag susubok ay sinusuntok niya. Mas lalo siyang gumaganda kapag tumatawa siya kaya naman ng tumawa siya kanina ay marami agad nakakuha ng atensiyon, kahit nakamaikling buhok ito at maangas na suot ay hinding hindi maikakaila ang maganda nitong mukha. Magkamag anak nga sila ni Calyx.
"You're here, Miskie and Hillary." Napatingin ako kay Calyx na tumatayo na, umaangal pa ang mga babae pero humalakhak lang naman si Calyx.
"Thanks god, my ears is hurting. Now that Hilllary is here we can stop the unstoppable monster Hunter." Natawa ang mga kasama namin doon, umakyat din si Calyx sa stage para kuhanin si Hunter na kumakanta, kapag akyat pa lang ni Calyx ay agad ng nag iritan ang mga babae.
"Hillary is here." Dahil napatapat ang mic kay Calyx ay narinig namin ang sinabi nito. Napatigil naman si Hunter at agad na bumaba at kinulit na si Hillary, as usual ay hindi naman siya pinansin ni Hillary.
Pagod na muling naupo si Calyx at pagkaupo palang niya ay agad na siyang pinalibutan ng mga babae.
"She's here." Taka akong napatingin kay Cally dahil sa sinabi ito, nakatingin ito sa taas habang iniikot ikot ang baso ng alak niya.
"Who?" Taka kong tanong sa kanya at tinignan ang tinitignan niya.
"That girl, the pony girl." Napatingin naman ako sa babaeng naka ponytail ang buhok at malamang sa malamang ay iyon ang tinutukoy ni Cally.
"Who is she?" Dahil sa naging tanong ko ay napunta sa akin ang tingin niya at hinila niya at pahilig sa kanya, hinayaan ko naman siya at nakinig sa sasabihin niya.
"She was one of Calyx's bestfriend." Napatingin ako muli sa babae at nakatitig ito kay Calyx na ngayon ay pinalilibutan ng mga babae.
"What happen?" Ngumisi naman si Cally at agad na nilagok ang hawak hawak niyang inumin.
"She wants more than friends." Nakatitig lang ako kay Cally at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"But Calyx is not one the same page, I really don't know where it started but Calyx never date a friend." Napatingin ako kay Calyx na masayang nakikipag usap sa mga kasama namin.
"Calyx is never afraid to lose someone, I really thought at least he will consider her feelings since they're friends since childhood you know but he didn't. He was take it or leave it, if you don't want to stay friend then we have nothing to do with each other and know they lose to contact but I think she's talking him, tha's kinda creepy." Napalingon ako sa babae at kahit sa malayo ay kitang kita ko ang talim ng tingin niya sa mga babaeng nakapalibot kay Calyx.
"She's obsess with him, each one of Calyx girlfriend, she use to threaten them. Girls are really scary." Napatingin naman ako sa kanya at agad na pinisil ang matango niyang ilong.
"You're a girl too." Humalakhak naman siya at inakbayan ako.
"Yeah too bad I am."
"I still want to know more about Calyx." Napatingin siya sa akin at muling sumandal sa sofa.
"Calyx really hate it when someone is controlling him, telling him what to do or invading in his privacy. Well, I think everyone hates it." Inalukan niya ako ng isang baso ng alak, tinanggap ko naman iyon at hinintay ang susunod niyang sasabihin.
"Aren't you curious why we're letting him play around like this?" Dahil sa naging tanong niya ay doon ako nag taka, meron pa ngang oras dati na andoon ang Dad niya ay dinadala niya ang babae niya sa bahay ng Dad niya at hindi rin naman nag sasalita ang Dad niya at kahit sinong kamag anak ni Calyx.
Tumango ako sa kanya.
"Since he was 5 to 6 years old, I don't remember. The first woman in her life betrayed him." Never kong nakita ang Mom niya at never din niyang binanggit sa amin kaya hindi na rin kami nag tanong at baka ayaw niya ang topic na iyon.
"It's really not a secret but not many people know about this." Umayos siya ng upo at may iniscroll sa cellphone niya. May pinatignan siya sa akin at si Allion Vargas iyon, isang sikat na singer.
"You know her?"
"Of course." Agad kong sagot.
"She's Calyx's mother." Agad nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. Agad kong kinuha ang cellphone at tinignan maigi ang litrato ni Allison at kung titignan mo ngang maigi may pagkakahawig silang dalawa.
"I can't believe this." Tumawa naman si Cally at kinuha sa akin ang cellphone niya.
"Her Mother that time, just gain popularity and she hides the fact the she had a son for her career. Then 5 years later she leave her husband and son without looking back for another man in the same industry. Calyx begged her to stay but she never even shed a single tear looking at his own son on his knees. What a f*****g bitch." Napatingin ako kay Calyx at parang naiimagine ko palang ay sumasakit na ang dibdib ko, hinding hindi ko kayang makita na ganoon si Calyx.
"Calyx never eat his food that we have to force him. He wait for his Mother that will never comeback, until 7 years later he started flirting, then having a lot of girlfriends I think 3 times a day and each passing day it's getting worse. He started to have another girlfriend while he's still in a relationship, at first we tried to lecture him but he moved out and buy a condo. " Bumuntong hininga si Cally.
"Napagod na lang kaming pagsabihan siya so we let him do whatever he wants, we can't even blame him because we don't know how much he suffer when his Mother left him. We have no idea but we know how hard it is for him." Hinawakan ni Cally ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"I hope one day she meet a girl who he can leans on and who can understand him. A girl who will love him and a girl who will never leave him, like that b***h. I hope it's you, I hope you can break his high wall." Bahagya akong napangiti at pinatong ko din ang kamay ko sa kamay ko.
"I really hope that I'm that girl." Ngumiti naman siya sa akin.