MISKIE'S POV Halos lahat ay wasted na sa amin kaya napag pasyahan na rin naming umuwi. Ako lang ata ang hindi lasing dahil iniisip ko lang sa isang gilid ang sinasabi sa akin ni Cally, kapag katapos niyang mag kwento sa akin ay agad siyang tinawag ng girlfriend niya at ngayon ay hinahanap ko siya para mag sabay sila ni Calyx sa pag uwi. Madalas kasi si Cally na natutulog sa condo ni Calyx dahil malayo ang bahay nito at talagang dumadayo lang dito, balak niya rin na bumili ng condo dahil nagagalit daw si Calyx at wala daw pusong pinapatulog siya sa may sofa kahit sobrang lawak naman ng kama nito. Nahagilap ko si Cally sa madilim na parte at may kahalikan itong babae, nag dadalawang isip pa ako kung lalapit pero kung hindi ako lalapit ay baka may ibang babaeng mag uwi kay Calyx, nasama pa

